Mal Malakias, kabanata Ang Aklat ni Malakias, kabanata 2
Ang Babala sa mga Paring Suwail
Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga pari, “Ito ang aking babala sa inyo: Kung hindi ninyo pakikinggan ang sinasabi ko at hindi ninyo pahahalagahan ang pagpaparangal sa akin, susumpain ko kayo, pati na ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari.2:1‑2 susumpain … pari: O susumpain ko kayo at gagawin kong sumpa ang mga pagpapalang inyong iginagawad sa mga tao. Sa katunayan, ginawa ko na iyan dahil hindi ninyo pinahahalagahan ang pagpaparangal sa akin.Lev 26:14; Lev 26:16; Deu 28:15