Num Mga Bilang, kabanata Ang Aklat ng Mga Bilang, kabanata 29
Ang mga Handog sa Pista ng Kubol
Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: labintatlong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.