PsaPs Mga SalmoPsalmen, salmoPsalm Mga SalmoDas Buch der Psalmen, salmoPsalm 135

Übersetzungen

Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya,Psa 113:1

na naglilingkod sa bahay ng Panginoon,

sa bakuran ng Templo ng ating Diyos.

Purihin ninyo ang Panginoon,

dahil siya ay mabuti.

Umawit kayo ng mga papuri sa kanya,

dahil ito ay kaaya-aya.Psa 136:1

Purihin ninyo siya!

Sapagkat pinili niya ang lahi ni Jacob

na maging kanya,

at ang mga mamamayan ng Israel

na mga lahi ni Jacob

na maging kanyang mahalagang ari-arian.Deu 7:6; 1Pe 2:9; Tit 2:14

Alam kong ang Panginoon

ay higit na dakila kaysa

sa alin mang diyos-diyosan.

Ginagawa ng Panginoon

ang anumang nais niya

sa langit, sa lupa, sa dagat

at sa kailaliman.Psa 115:3; Dan 4:35

Dinadala niya paitaas ang mga ulap

mula sa malalayong dako ng mundo,

at ipinadala ang kidlat

na may kasamang ulan.

Inilabas din niya ang hangin mula

sa kinalalagyan nito.Jer 10:13; Jer 14:22

Pinatay niya ang mga anak na panganay

ng mga Ehipsiyo;

pati na ang mga panganay

ng kanilang mga hayop.Exo 12:29; Psa 78:51

Gumawa rin siya dito ng mga himala

at mga kahanga-hangang bagay

upang parusahan ang Faraon

at ang lahat niyang mga lingkod.

Winasak niya ang maraming bansa,

at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,Num 21:21

katulad nina Sihon na hari ng Amoreo,

Haring Og ng Bashan,

at ang lahat ng hari ng Canaan.Jos 12:7

Kinuha niya ang kanilang mga lupain

at ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelita

upang maging kanilang pag-aari.

Panginoon, ang inyong pangalan

at katanyagan

ay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi.

Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon,

na ang inyong lingkod

ay walang kasalanan,

at silaʼy inyong kahahabagan.

Ang mga diyos ng ibang mga bansa

ay mga yari sa pilak at ginto

na gawa ng tao.Psa 115:4

May mga bibig,

ngunit hindi nakakapagsalita;

may mga mata,

ngunit hindi nakakakita.

May mga tainga,

ngunit hindi nakakarinig,

at hindi sila humihinga.

Ang mga gumawa ng diyos-diyosan

at ang lahat ng nagtitiwala rito

ay matutulad sa mga ito.Isa 42:17

Kayong mga mamamayan ng Israel,

pati kayong mga angkan ni Aaron

at ang iba pang mga angkan ni Levi,

purihin ninyo ang Panginoon!

Kayong mga may takot sa Panginoon,

purihin ninyo siya!

Purihin ninyo ang Panginoon

na nasa Zion,

ang lungsod ng Jerusalem

na kanyang tahanan.

Purihin ang Panginoon!Psa 50:2; Psa 110:2; Isa 2:3