Eph Mga Taga-EfesoEfesolaisille, kabanataluku Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga-EfesoPaavalin kirje efesolaisille, kabanataluku 5

Käännökset Vertaa

Kaya tularan ninyo ang Diyos dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak. Mat 5:48Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.Jhn 13:34; 1Jn 3:11

Hindi kayo dapat maparatangan na gumagawa ng kahit anong seksuwal na imoralidad, kalaswaan o kasakiman, dahil hindi ito nararapat sa mga hinirang ng Diyos. 1Co 6:15At hindi rin nararapat na marinig sa inyo ang mga malalaswa o walang kabuluhang usapan at masasamang biro. Sa halip, maging mapagpasalamat kayo sa Diyos. Mat 12:36; Eph 4:29Tandaan ninyo: Walang taong mahalay, malaswa ang pamumuhay, at sakim ang mapapabilang sa kaharian ni Kristo at ng Diyos. Sapagkat ang kasakiman ay tulad din ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.1Co 6:10

Huwag kayong padadala sa mga walang kabuluhang pangangatwiran, sapagkat dahil sa mga bagay na itoʼy kinapopootan ng Diyos ang mga suwail. Mat 24:4; Mrk 13:5; Luk 21:8; 2Th 2:3Kaya huwag kayong makikibahagi sa ginagawa ng mga taong ito.

Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, ngunit ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayoʼy nasa Panginoon na. Ipakita ninyo sa inyong pamumuhay na naliwanagan na kayo. Jhn 8:12; Jhn 12:36(Sapagkat kung ang isang tao ay naliwanagan na, makikita sa kanya ang kabutihan, katuwiran, at katotohanan.) Gal 5:22Alamin ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon. Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ilantad ninyo ang kasamaan nila. 2Co 6:14; 1Ti 5:20Nakakahiyang banggitin man lang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim. Ngunit kung pagsasabihan ninyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa. Jhn 3:20Sapagkat maliliwanagan ang lahat ng naabot ng liwanag. Kaya nga sinasabi,

“Gumising ka, ikaw na natutulog,

bumangon ka mula sa mga patay

at liliwanagan ka ni Kristo.”Isa 60:1; Rom 6:4

Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo mamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong. Col 4:5Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti, dahil marami ang gumagawa ng kasamaan sa panahong ito. Kaya huwag kayong kumilos nang hindi nag-iisip, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.Rom 12:2; 1Th 4:3

Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Espiritu. Isa 5:11; Luk 21:34Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Col 3:16Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.5:20 bilang mananampalataya … Kristo: Sa literal, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.Isa 63:7; Col 3:17; 1Th 5:18

Aral sa mga Mag-asawa

Magpasakop kayo sa isaʼt isa bilang paggalang kay Kristo.

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Col 3:18; Tit 2:5Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. 1Co 11:3; Eph 1:22Kaya kung paanong nagpapasakop ang iglesya kay Kristo, dapat ding magpasakop ang mga babae sa asawa nila sa lahat ng bagay.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya Gal 1:4; Col 3:19upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos. 1Pe 3:21; Tit 3:5; Heb 9:14Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis. Sng 4:7; 2Co 11:2; Eph 1:4Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong nasusuklam sa sariling katawan, sa halip, pinapakain niya ito at inaalagaan. Ganito rin ang ginagawa ni Kristo sa kanyang iglesya, sapagkat mga bahagi tayo ng kanyang katawan.

Sinasabi sa Kasulatan, “Iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.”5:31 Gen. 2:24. Gen 2:24; Mat 19:5; Mrk 10:7; 1Co 6:16Napakalalim ng kahulugan ng misteryong ito, ngunit ang tinutukoy ko ay si Kristo at ang kanyang iglesya. Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.