Jer Jeremias, kabanata Ang Aklat ni Jeremias, kabanata 34
Ang Babala kay Zedequias
Sinalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang Jerusalem at ang mga bayan sa palibot nito. Kasama niyang lumusob ang lahat ng sundalo niya pati ang mga sundalo na galing sa mga kaharian na nasasakupan niya. Sa panahong iyon, sinabi kay Jeremias ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel:
“Pumunta ka kay Haring Zedequias ng Juda at sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoon, ang nagsasabi, ‘Ibibigay ko sa hari ng Babilonia ang lungsod na ito at susunugin niya ito.’ 2Ki 25:1; Jer 21:7