Lev Leviticus, kabanata Leviticus, kabanata 14
“Ngunit kung mahirap ang tao at hindi niya kayang maghandog ng mga ito, magdala siya ng isang lalaking tupa bilang handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Itataas niya ang handog na ito sa Panginoon para matubos siya sa kanyang kasalanan. Magdadala rin siya ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na may halong langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon. At magdadala pa siya ng isang basong langis ng olibo.