Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 1
Unang Aklat
Salmo 1–41
Pinagpala ang taong hindi namumuhay
ayon sa payo ng masasama
o sumusunod sa maling halimbawa
ng mga makasalanan,
at hindi nakikisama
sa mga taong mapangutya.Psa 26:4; Jer 15:17; Pro 10:30
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod
sa mga aral mula sa Panginoon,
at kanyang pinagbubulay-bulayan
ang mga ito araw-gabi.Jos 1:8
Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy
na itinanim sa tabi ng sapa,
namumunga sa takdang panahon
at hindi nalalanta ang mga dahon.
Magtatagumpay siya
sa anumang gagawin niya.Psa 92:12; Jer 17:8
Ngunit iba ang mga taong masama;
silaʼy tulad ng ipa
na tinatangay ng hangin.Job 21:18; Isa 29:5
Sa araw ng paghatol,
silaʼy parurusahan
at ihihiwalay sa matutuwid.Mat 25:32
Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon
ang matutuwid,
ngunit ang buhay ng taong masama