여러 번역본으로 본 창세기 39

비교할 번역본 선택

번역본을 선택하면 목록에 추가되며, 열은 목록 순서대로 나열됩니다.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

한국어

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
39:1
ASD Nang dinala na si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto, binili siya ni Potifar na isang Ehipsiyong isa sa mga opisyal ng Faraon. (Si Potifar ay kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.)
39:2
ASD Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Ehipsiyo.
39:3
ASD Nakita ni Potifar na ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya,
39:4
ASD kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya itong sarili niyang katiwala at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian.
39:5
ASD Mula nang panahong si Jose ang namamahala, binasbasan ng Panginoon ang sambahayan ni Potifar na Ehipsiyo at ang lahat ng ari-arian niya sa kanyang bahay at bukirin. Ginawa ito ng Panginoon dahil kay Jose.
39:6
ASD Ipinagkatiwala ni Potifar ang lahat kay Jose at wala na siyang ibang iniintindi maliban na lang sa pagpili ng kakainin niya. Gwapo si Jose at matipuno ang katawan.
39:7
ASD Hindi nagtagal, nagkagusto sa kanya ang asawa ng kanyang amo. Inakit niya si Jose upang sumiping sa kanya.
39:8
ASD Ngunit tumanggi si Jose. Sinabi niya sa babae, “Pakinggan nʼyo po ako! Ipinagkatiwala po sa akin ng amo ko ang lahat ng kanyang ari-arian kaya hindi na po siya nag-aalaa sa mga gamit dito sa kanyang sambahayan.
39:9
ASD Wala na pong hihigit sa akin sa sambahayang ito. Ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat maliban lang sa inyo dahil asawa niya kayo. Kaya hindi ko po magagawang pagtaksilan ang amo ko at magkasala sa Diyos.”
39:10
ASD Kahit araw-araw ang pang-aakit ng babae kay Jose na sumiping sa kanya, hindi pa rin siya pumayag.
39:11
ASD Isang araw, pumasok si Jose sa bahay upang magtrabaho. Nagkataon na wala kahit isang alipin sa loob ng bahay.
39:12
ASD Hinawakan siya sa damit ng asawa ng amo niya at sinabi, “Sipingan mo ako!” Ngunit tumakbong palabas ng bahay si Jose, at naiwan ang balabal niya na hawak ng babae.
39:13
ASD Nang makita ng babae na nakalabas si Jose at hawak niya ang balabal nito,
39:14
ASD tinawag niya ang kanyang mga alipin at sinabi, “Tingnan ninyo! Dinalhan tayo rito ng asawa ko ng isang Hebreo upang hamakin tayo. Alam nʼyo ba na pumasok siya sa silid ko upang pagsamantalahan ako, ngunit sumigaw ako.
39:15
ASD Kaya tumakbo siya palabas, at naiwan niya ang kanyang balabal.”
39:16
ASD Itinago ng babae ang balabal ni Jose hanggang sa dumating ang kanyang asawa.
39:17
ASD Isinalaysay niya agad sa asawa niya ang nangyari. Sinabi niya, “Ang Hebreong alipin na dinala mo rito ay gusto akong hamakin dahil pumasok siya sa aking silid upang pagsamantalahan ako.
39:18
ASD Ngunit tumakbo siya palabas nang sumigaw ako, at naiwan pa nga ang kanyang balabal.”
39:19
ASD Nang marinig ni Potifar ang salaysay ng kanyang asawa tungkol sa ginawa ni Jose, galit na galit siya.
39:20
ASD Kaya ipinadakip niya si Jose at ipinasok sa bilangguan ng hari. Ngunit kahit nasa bilangguan si Jose,
39:21
ASD ginagabayan pa rin siya ng Panginoon. At dahil sa kabutihan ng Panginoon, panatag ang loob ng tagapamahala ng bilangguan kay Jose.
39:22
ASD Kaya ipinagkatiwala niya kay Jose ang pamamahala sa lahat ng bilanggo at ang lahat ng gawain sa bilangguan.
39:23
ASD Hindi nag-aalala ang tagapamahala ng bilangguan sa mga bagay na ipinagkatiwala niya kay Jose, dahil ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya.