II Kronik 25 w różnych przekładach

Wybierz przekłady do porównania

Wybierz przekład, aby dodać go do listy; kolumny układają się w kolejności listy.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Polski

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Polski

  • Słowo Życia

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
25:1
ASD Si Amazias ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang siya ay naging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Jehoadin na taga-Jerusalem.
25:2
ASD Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi lubos ang kanyang pagsunod.
25:3
ASD Nang matatag na ang paghahari ni Amazias, ipinapatay niya ang mga opisyal na pumatay sa kanyang amang hari.
25:4
ASD Ngunit hindi niya ipinapatay ang kanilang mga anak, dahil ayon sa nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises, sinabi ng Panginoon, “Hindi dapat mamatay ang mga magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, at ang mga anak ay hindi rin dapat patayin dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang. Mamamatay lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.”
25:5
ASD Tinipon ni Amazias ang kanyang mga sundalo na mula sa Juda at Benjamin. Binukod-bukod niya sila ayon sa kanilang pamilya at nilagyan ng mga kumander na mamamahala ng tig-isandaan at tig-isang libong sundalo. Pagkatapos, binilang niya ang kanyang mga sundalo na nasa dalawampung taóng gulang pataas, at ang bilang ay tatlondaang libo. Silaʼy mahuhusay sa sibat at pananggalang.
25:6
ASD Kumuha rin siya ng isandaang sundalo mula sa Israel. Nagbayad siya ng 3,500 kilong pilak bilang upa sa mga sundalo.
25:7
ASD Ngunit may isang lingkod ng Diyos na pumunta kay Amazias at nagsabi, “Mahal na Hari, huwag po kayong kumuha ng mga sundalong mula sa Israel, dahil ang bayang iyon ay hindi pinapatnubayan ng Panginoon. Ang mga mamamayan ng Efraim ay hindi na tinutulungan ng Panginoon.
25:8
ASD Kung pasasamahin nʼyo po sila sa labanan, matatalo kayo kahit makipaglaban pa kayo nang mabuti. Ang Diyos lang ang may kapangyarihang makapagpapanalo o makapagpapatalo sa inyo.”
25:9
ASD Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, “Ngunit paano ang ibinayad kong 3,500 kilong pilak sa mga sundalong Israelita?” Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Higit pa po diyan ang ibibigay ng Panginoon sa inyo.”
25:10
ASD Kaya pinauwi ni Amazias ang mga sundalo na taga-Efraim. Umuwi sila na galit na galit sa Juda.
25:11
ASD Buong tapang na lumusob si Amazias at pinangunahan niya ang kanyang mga sundalo sa pagpunta sa Lambak ng Asin, kung saan nakapatay sila ng sampung libong Edomita.
25:12
ASD Nakadakip pa sila ng sampung libong sundalo, at dinala nila ito sa isang bangin at doon inihulog, kaya nagkabali-bali ang buto ng mga ito.
25:13
ASD Samantala, ang mga sundalong pinauwi ni Amazias at hindi pinasama sa labanan ay lumusob sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Nakapatay sila ng tatlong libong tao, at maraming ari-arian ang kanilang sinamsam.
25:14
ASD Pagbalik ni Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang kanilang mga diyos-diyosan. Ginawa niya itong sariling diyos, sinamba, at pinag-alayan ng mga handog.
25:15
ASD Kaya labis ang galit ng Panginoon kay Amazias. Nagpadala siya ng propeta kay Amazias para sabihin, “Bakit dumudulog ka sa mga diyos-diyosan na hindi nakapagligtas ng kanilang mga mamamayan sa iyong mga kamay?”
25:16
ASD Habang nagsasalita ang propeta, sumagot ang hari, “Bakit mo ako pinapayuhan? Ginawa ba kitang tagapayo? Tumahimik ka, dahil kung hindi, ipapapatay kita!” Kaya tumahimik ang propeta pagkatapos niyang sabihin, “Tiyak na lilipulin ka ng Diyos dahil sinamba mo ang mga diyos-diyosan at hindi ka nakinig sa akin.”
25:17
ASD Matapos makipag-usap ni Haring Amazias sa kanyang mga tagapayo, nagpadala siya ng mensahe sa hari ng Israel na si Jehoas na anak ni Joahaz at apo ni Jehu. Hinamon niya si Jehoas na maglaban sila.
25:18
ASD Ngunit sinagot siya ni Haring Jehoas sa pamamagitan ng kuwentong ito: “Doon sa Lebanon ay may halamang may tinik na nagpadala ng mensahe sa puno ng sedro: ‘Ipakasal mo ang iyong anak na babae sa aking anak na lalaki.’ Ngunit may dumaang hayop mula sa gubat at tinapak-tapakan ang halamang may tinik.
25:19
ASD Sinasabi mo sa sarili mo na natalo mo ang Edom, at ipinagyayabang mo ito. Magdiwang ka pero manatili ka na lang sa iyong bahay. Bakit mo pipiliin ang gulo na magdadala lang ng kapahamakan sa iyo at sa Juda?”
25:20
ASD Ngunit hindi nakinig si Amazias, dahil kumikilos ang Diyos upang wasakin siya ni Jehoas dahil sa kanyang pagsamba sa mga diyos ng Edom.
25:21
ASD Kaya nilusob siya ni Haring Jehoas at ng mga sundalo nito. Naglaban sila sa Bet-semes na sakop ng Juda.
25:22
ASD Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kanilang bahay.
25:23
ASD Nadakip ni Haring Jehoas si Haring Amazias doon sa Bet-semes, at dinala niya ito sa Jerusalem. Pagkatapos, giniba ni Jehoas ang mga pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.
25:24
ASD Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.
25:25
ASD Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.
25:26
ASD Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan nga mga hari ng Juda at Israel.
25:27
ASD Matapos tumalikod ni Amazias sa Panginoon, may mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin siya. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis pero nagpadala sila ng tao upang sundan siya roon at patayin.
25:28
ASD Isinakay sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.