Rzymian 13 w różnych przekładach

Wybierz przekłady do porównania

Wybierz przekład, aby dodać go do listy; kolumny układają się w kolejności listy.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Polski

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Ἀρχαία Ἑλληνική

Српски / Srpski

Hrvatski

Eesti

Svenska

Magyar

Slovenčina

Suomi

Norsk bokmål

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Български

Tiếng Việt

Bahasa Indonesia

ไทย

한국어

हिन्दी

English

  • JPS Tanakh
  • Targum Onkelos (Etheridge)

Deutsch

  • Byzantinischer Text
Ang Salita ng Diyos
13:1
ASD Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Diyos, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang puwesto.
13:2
ASD Kaya ang mga kumakalaban sa pamahalaan ay kumakalaban din sa itinalaga ng Diyos, at dahil ditoʼy sila rin ang nagdadala ng kaparusahan sa sarili nila.
13:3
ASD Ang mga namumuno ay hindi dapat katakutan ng mga gumagawa ng mabuti. Ang dapat matakot sa kanila ay ang mga gumagawa ng masama. Gusto ba ninyong mabuhay nang hindi natatakot sa mga nasa kapangyarihan? Kung ganoʼn, gawin ninyo ang mabuti at pararangalan nila kayo.
13:4
ASD Sapagkat ang mga nasa kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos para sa ating ikabubuti. Ngunit kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Diyos na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.
13:5
ASD Kaya magpasakop kayo sa mga nasa kapangyarihan, hindi lang upang maiwasan ang parusa kundi dahil ito ang nararapat gawin.
13:6
ASD Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Diyos at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
13:7
ASD Kaya ibigay ninyo ang nararapat sa kanila: Kung buwis at iba pang bayarin, bayaran ninyo; kung paggalang, igalang ninyo ang nararapat igalang, at kung parangal, parangalan ninyo ang dapat parangalan.
13:8
ASD Huwag kayong mananatiling may pagkakautang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.
13:9
ASD Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang maging sakim” at ang mga iba pa ay napapaloob sa iisang kautusan: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
13:10
ASD Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.
13:11
ASD Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Hesu-Kristo.
13:12
ASD Ngayoʼy madilim pa, ngunit malapit nang mag-umaga. Kaya itigil na natin ang mga ginagawa natin sa dilim at sa halip ay isuot natin ang sandata ng liwanag.
13:13
ASD Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan.
13:14
ASD Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Hesu-Kristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.