Act Mga Gawa, kabanata Ang Mga Gawa ng mga Apostol, kabanata 5
Nakinig sila sa anghel, kaya pagsikat ng araw, pumasok sila sa Templo at nagsimulang magturo sa mga tao.
Samantala, dumating ang punong pari at mga kasamahan niya at ipinatawag nila ang Sanhedrin: ang buong kapulungan ng mga pinuno ng Israel. May mga inutusan silang pumunta sa bilangguan para kunin ang mga apostol at dalhin sa kanila.