Dan Daniel, kabanata Ang Aklat ni Daniel, kabanata 5
Ang Nakasulat sa Dingding
Noong si Belshazar ang hari ng Babilonia, naghanda siya ng malaking piging para sa kanyang isang libong marangal na mga bisita. Habang nag-iinuman sila, ipinakuha ni Belshazar ang mga tasang ginto at pilak na kinuha ng ama niyang si Nebucadnezar sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Ipinakuha niya ang mga ito upang gamitin nila ng kanyang mga marangal na mga bisita, ng kanyang mga asawa, at ng iba pa niyang mga asawang alipin. Nang madala na sa kanya ang mga tasa, ginamit nila ito para inuman. 2Ki 24:13