Deu Deuteronomio, kabanata Ang Aklat ng Deuteronomio, kabanata 9
Tagumpay na Mula sa Diyos
Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel. Tatawid kayo ngayon sa Jordan para itaboy ang mga bansang mas malalaki at mas makapangyarihan kaysa sa inyo. Malalaki ang kanilang lungsod at may matataas na pader na tila umabot na sa langit. Deu 7:1; Deu 11:23Malalakas at matatangkad ang mga naninirahan dito – mga lahi ni Anak! Alam naman ninyo ang tungkol sa mga lahi ni Anak at narinig ninyo na walang makakatalo sa kanila. Num 13:22Ngunit ngayon, makikita ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna sa inyo na parang apoy na lumalamon sa inyong mga kaaway. Tatalunin niya sila para madali ninyo silang maitaboy at malipol ayon sa ipinangako ng Panginoon sa inyo.Exo 24:17; Deu 4:24; Heb 12:29
Kapag naitaboy na sila ng Panginoon na inyong Diyos sa inyong harapan, huwag ninyong sasabihin sa inyong mga sarili, “Dinala tayo ng Panginoon para angkinin ang lupaing ito dahil matuwid tayo.” Hindi. Palalayasin sila ng Panginoon dahil masama silang bansa. Mapapasainyo ang kanilang lupain hindi dahil matuwid kayo o mabuti kayong mga tao kundi dahil masama sila, at para matupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Alalahanin ninyong hindi dahil matuwid kayo kaya ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos ang magandang lupaing ito para masakop ninyo. Ang totoo, matitigas ang inyong ulo.
Alalahanin ninyo kung paano ninyo ginalit ang Panginoon na inyong Diyos sa disyerto. Mula nang araw na lumabas kayo sa Ehipto hanggang ngayon, palagi na lang kayong nagrerebelde sa Panginoon. Exo 14:11; Exo 16:2; Exo 17:2; Num 20:4Kahit doon sa Bundok ng Sinai,9:8 Bundok ng Sinai: Sa Hebreo, Horeb. ginalit ninyo ang Panginoon, kaya gusto na lang niya kayong patayin. Exo 32:10Nang umakyat ako sa bundok para kunin ang malalapad na bato, kung saan nakasulat ang kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo, nanatili ako roon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom. Exo 24:18; Exo 34:28Ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato, na siya mismo ang sumulat ng mga utos na sinabi niya sa inyo na mula sa apoy doon sa Bundok ng Sinai habang nagtitipon kayo.Exo 31:18; Exo 32:16; Exo 34:29
Pagkatapos ng apatnapung araw at apatnapung gabi, ibinigay ng Panginoon sa akin ang dalawang malalapad na bato kung saan nakasulat ang kautusan. Exo 31:18At sinabi ng Panginoon sa akin, “Bumaba ka agad sapagkat ang mga mamamayang pinangunahan mo sa paglabas sa Ehipto ay nagpakasama na. Napakabilis nang kanilang pagtalikod sa mga tuntuning iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng mga diyos-diyosan para sa kanilang sarili.”Exo 32:7
At sinabi pa ng Panginoon sa akin, “Nakita ko kung gaano katigas ang ulo ng mga mamamayang ito. Exo 33:3Pabayaan mo akong puksain sila para hindi na sila maalala pa. Pagkatapos, gagawin kita at ang iyong salinlahi na isang bansa na mas makapangyarihan at mas marami pa kaysa sa kanila.”Exo 32:10
Kaya bumaba ako mula sa naglalagablab na bundok, dala ang dalawang malalapad na bato kung saan nakasulat ang tuntunin ng kasunduan. Exo 32:15; Heb 12:18At nakita ko ang pagkakasala nʼyo sa Panginoon na inyong Diyos. Gumawa kayo ng diyos-diyosang guya. Napakabilis ninyong tumalikod sa mga iniutos ng Panginoon sa inyo. Kaya sa harapan ninyo, ibinagsak ko ang dalawang malalapad na bato at nabiyak ang mga ito.Exo 32:19
Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na walang kinakain at iniinom, dahil sa lahat ng mga ginawa ninyong kasalanan. Masama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon at nakapagpapagalit ito sa kanya. Exo 32:31; Exo 34:28Natakot ako dahil sa matinding galit ng Panginoon sa inyo dahil baka patayin niya kayo. Ngunit pinakinggan pa rin ako ng Panginoon. Matindi rin ang galit ng Panginoon noon kay Aaron at gusto rin siyang patayin ng Panginoon, ngunit nanalangin din ako nang panahong iyon para sa kanya. Exo 32:21Pagkatapos, kinuha ko ang diyos-diyosang guya na ginawa ninyo, na nagtulak sa inyo sa kasalanan, at tinunaw ko ito sa apoy. Dinurog ko ito na kasingpino ng alikabok at isinabog sa sapa na umaagos mula sa bundok.Exo 32:20; 2Ki 23:12
Ginalit din ninyo ang Panginoon doon sa Tabera, sa Masa at sa Kibrot Hataava.Num 11:1; Num 11:3; Num 11:34; Exo 17:7
Nang pinalakad kayo ng Panginoon mula sa Kades-barnea, sinabi niya sa inyo, “Lumakad kayo at angkinin na ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo.” Ngunit nagrebelde kayo, hindi ninyo sinunod ang utos ng Panginoon na inyong Diyos. Hindi kayo nagtiwala o sumunod sa kanya. Num 13:2; Num 14:2Mula nang makilala ko kayo, puro na lang pagrerebelde ang ginagawa ninyo sa Panginoon.
Iyan ang dahilan kung bakit ako nagpatirapa sa harapan ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi dahil sinabi ng Panginoon na pupuksain niya kayo. Exo 32:11Nanalangin ako sa Panginoon, “O Makapangyarihang Panginoon, huwag po ninyong puksain ang sarili ninyong mamamayan. Iniligtas po ninyo sila at inilabas sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Num 14:13Huwag na ninyong pansinin ang katigasan ng ulo, ang kasamaan at ang mga kasalanan ng mga mamamayang ito, kundi alalahanin ninyo ang inyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Exo 32:13Kung lilipulin nʼyo sila, sasabihin ng mga Ehipsiyo, ‘Nilipol sila dahil hindi sila kayang dalhin ng Panginoon sa lupaing ipinangako niya sa kanila.’ O sasabihin nila, ‘Pinatay sila ng Panginoon dahil galit siya sa kanila; inilabas sila sa Ehipto at dinala sa disyerto para patayin.’ Num 14:16Ngunit sila ay inyong mamamayan. Sila ang sarili ninyong mamamayan na inilabas ninyo sa Ehipto sa pamamagitan ng inyong dakilang kapangyarihan.”Exo 19:5; Exo 32:11