Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 27
Awit na isinulat ni David.
Ang Panginoon ang aking ilaw
at Tagapagligtas.
Sino ang aking katatakutan?
Siya ang nagtatanggol sa akin
kaya wala akong dapat katakutan.Psa 118:6; Mic 7:8
Kapag sinasalakay ako
ng masasamang tao
o ng aking mga kaaway
upang patayin,
sila ang nabubuwal at natatalo!
Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal,
hindi ako matatakot.
Kahit salakayin nila ako,
magtitiwala ako sa Diyos.Psa 3:6
Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang tanging ninanais ko:
na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,
upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,
at hilingin ang kanyang patnubay.Psa 23:6
Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako
sa kanyang Templo,
at ilalagay niya ako
sa ligtas na lugar.Psa 31:20
Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko
na nakapaligid sa akin.
Maghahandog ako sa Templo ng Panginoon
habang sumisigaw sa kagalakan,
umaawit at nagpupuri.
Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag.
Kahabagan nʼyo ako
at sagutin ang aking dalangin.Psa 4:1
Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso
na lumapit sa inyo,
kaya narito ako,
lumalapit sa inyo.Psa 50:15
Huwag nʼyo po akong pagtaguan!
Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil
dahil sa inyong galit.
Kayo na laging tumutulong sa akin,
huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan,
O Diyos na aking Tagapagligtas.1Ki 8:57
Iwanan man ako ng aking mga magulang,
kayo naman, Panginoon,
ang mag-aalaga sa akin.Isa 63:16; Isa 64:8
Ituro nʼyo sa akin ang daang
gusto nʼyong lakaran ko.
Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,
dahil sa mga kaaway ko
na gusto akong gawan ng masama.Psa 25:4; Psa 86:11
Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway,
dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan
ng kasinungalingan,
at nais nilang akoʼy saktan.Psa 31:8
Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,
habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.Isa 38:11
Magtiwala kayo sa Panginoon!
Magpakatatag kayo
at huwag mawalan ng pag-asa.