ปัญญาจารย์ 11 ในหลายฉบับแปล
Ang Salita ng Diyos
11:1
ASD
Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.
11:2
ASD
Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo.
11:3
ASD
Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.
11:4
ASD
Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.
11:5
ASD
Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, hindi mo rin maiintindihan ang gawa ng Diyos, ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
11:6
ASD
Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo.
11:7
ASD
Ang liwanag ay napakatamis, at nakalulugod sa mata na makita ang araw.
11:8
ASD
Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
11:9
ASD
Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos ayon sa inyong mga ginawa.
11:10
ASD
Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.