เลวีนิติ 24 ในหลายฉบับแปล

เลือกฉบับแปลที่จะเปรียบเทียบ

เลือกฉบับแปลเพื่อเพิ่มลงในรายการ คอลัมน์จะเรียงตามลำดับในรายการ

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

ไทย

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

한국어

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
24:1
ASD [24:1–4] Sinabi ng Panginoon kay Moises na iutos ito sa mga Israelita: “Magdala kayo ng purong langis ng olibo mula sa pinigang olibo para sa ilaw na nasa labas ng kuwarto kung saan nakalagay ang Kahon ng Kasunduan doon sa Toldang Tipanan, para patuloy itong magningas sa presensya ng Panginoon. Sisindihan ito ni Aaron tuwing takip-silim at patuloy na pagniningasin hanggang sa umaga. Dapat tiyakin na laging nagniningas ang mga ilaw sa patungang ginto nito. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman, kayo at ang susunod pang mga henerasyon.
24:2
ASD
24:3
ASD
24:4
ASD
24:5
ASD “Magluto kayo ng labindalawang pirasong tinapay, na ang bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina.
24:6
ASD Pagkatapos, ilagay ninyo ito sa mesang ginto sa presensya ng Panginoon. Ihanay ninyo ito ng dalawang hanay, tig-anim ang bawat hanay.
24:7
ASD Lagyan ninyo ng purong insenso ang gilid ng bawat hanay. Ang insenso ang siyang magsisilbing palatandaan na ito ay handog sa Panginoon. Susunugin ito bilang handog sa pamamagitan ng apoy sa halip na ang tinapay.
24:8
ASD Dapat laging maglagay ng tinapay sa presensya ng Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga. Itoʼy tungkulin ninyong mga Israelita magpakailanman.
24:9
ASD Ang mga tinapay na itoʼy para kay Aaron at sa kanyang angkan. Kakainin nila ito sa banal na lugar sa bakuran ng santuwaryo, dahil ito ang napakabanal na bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon, at itoʼy para sa kanila magpakailanman.”
24:10
ASD [24:10–11] May isang tao noon na ang ama ay isang Ehipsiyo at ang ina ay Israelita. (Ang kanyang ina ay si Shelomit na anak ni Dibri na mula sa lahi ni Dan.) Siyaʼy nakipag-away sa isang Israelita roon sa kampo, at nilapastangan niya ang pangalan ng Panginoon. Kaya dinala nila siya kay Moises,
24:11
ASD
24:12
ASD at ikinulong nila siya hanggang sa malaman nila kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin sa kanya.
24:13
ASD Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Moises,
24:14
ASD “Dalhin ninyo sa labas ng kampo ang taong iyon na lumapastangan sa akin. At ang lahat ng nakarinig ng kanyang paglapastangan ay magpatong ng kanilang mga kamay sa ulo niya bilang patunay na siyaʼy dapat managot, at pagkatapos, babatuhin siya ng buong sambayanan hanggang mamatay.
24:15
ASD At sabihin mo sa mga Israelita na ang sinumang katutubong Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na lalapastangan sa aking pangalan ay mananagot.
24:16
ASD Ang sinumang lalapastangan sa aking Pangalan ay babatuhin ng buong sambayanan hanggang sa mamatay siya; katutubo man o dayuhan.
24:17
ASD “Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.
24:18
ASD At kung hayop na pag-aari ng iba naman ang pinatay ng isang tao ay kinakailangang palitan niya ito ng buháy.
24:19
ASD Kapag sinaktan ng sinuman ang kanyang kapwa, kailangang saktan din siya katulad ng ginawa niya.
24:20
ASD Kung binali niya ang buto ng iba, babaliin din ang buto niya, kung dinukot niya ang mata ng iba, dudukutin din ang mata niya, at kung binungi niya ang ngipin ng iba, bubungiin din ang ngipin niya.
24:21
ASD Ang sinumang makapatay ng hayop ng iba ay dapat niya itong palitan, ngunit ang makapatay ng tao ay dapat ding patayin.
24:22
ASD Ang mga utos na itoʼy para sa inyong lahat, katutubong Israelita man o dayuhan. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.”
24:23
ASD Pagkatapos itong sabihin ni Moises sa mga Israelita, dinala nila ang taong iyon na lumapastangan sa Diyos doon sa labas ng kampo at binato ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.