สดุดี 19 ในหลายฉบับแปล

เลือกฉบับแปลที่จะเปรียบเทียบ

เลือกฉบับแปลเพื่อเพิ่มลงในรายการ คอลัมน์จะเรียงตามลำดับในรายการ

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

ไทย

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

한국어

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
19:0
ASD Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
19:1
ASD Ipinapakita ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos! Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng kanyang mga kamay.
19:2
ASD Araw-araw, sinasabi ng kalangitan ang tungkol dito, gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.
19:3
ASD Kahit walang salita o tinig na mula sa kanilaʼy naririnig,
19:4
ASD napapakinggan pa rin sa buong daigdig ang kanilang salitaʼt tinig. Doon sa kalangitan, iginawa ng Diyos ang araw ng tirahan.
19:5
ASD Tuwing umagaʼy sumisikat ito katulad ng isang lalaking ikakasal na masayang lumalabas ng kanyang tahanan. O kayaʼy isang manlalarong kampeon na sabik na sabik sumabak sa takbuhan.
19:6
ASD Itoʼy sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran; walang di mahahagip ng init nitong taglay.
19:7
ASD Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman.
19:8
ASD Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.
19:9
ASD Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng Panginoon ay matuwid at makatarungan.
19:10
ASD Ang mga itoʼy higit pa kaysa ginto kahit pa sa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan.
19:11
ASD Ang inyong mga utos, ay nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy aking sinusunod.
19:12
ASD Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin po ninyo ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman.
19:13
ASD Ilayo rin ninyo ako sa kasalanang sadya kong ginagawa. Huwag po ninyong payagan na alipinin ako nito. At mamumuhay ako nang walang kapintasan, lubos na lalaya sa maraming kasalanan.
19:14
ASD Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo, ang aking batong kanlungan at tagapagligtas!