2Ch2Ta 2 Mga Cronica2. Tarihler, kabanatabölüm Ang Ikalawang Aklat ng mga Cronica2. Tarihler Kitabı, kabanatabölüm 6

Çeviriler Karşılaştır

Ang Mensahe ni Solomon sa mga Mamamayan ng Israel

(1~Hari 8:14‑21)

At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po, Panginoon, na maninirahan kayo sa makapal na ulap. 1Ki 8:12Nagpatayo po ako ng kahanga-hangang templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”

At humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at silaʼy binasbasan. 2Sa 6:18; 1Ki 8:14; 1Ki 8:55Sinabi niya,

“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sapagkat sinabi niya, 1Ki 8:15‘Mula nang araw na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Ehipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel upang pagtayuan ng templo sa pagpaparangal sa akin, at hindi rin ako pumili ng haring mamamahala sa mga mamamayan kong Israelita. 2Sa 7:6; 1Ki 8:16Ngunit pinili ko ang Jerusalem upang doon pararangalan ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’

“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. 2Sa 7:2; 1Ki 8:17; 1Ch 17:1Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’1Ki 8:19

“Tinupad ng Panginoon ang kanyang pangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa pangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang Templo upang parangalan ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. 1Ki 8:20Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa mamamayan ng Israel.”

Ang Panalangin ni Solomon

(1~Hari 8:22‑53)

Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay. 1Ki 8:22; Ezr 9:5Pagkatapos, tumayo siya sa tansong entablado na kanyang ipinagawa. Itoʼy may haba at luwang na pitoʼt kalahating talampakan, at may taas na apat at kalahating talampakan. At lumuhod si Solomon sa harap ng mga mamamayan ng Israel na nakataas ang kanyang mga kamay. 1Ki 8:22; Eph 3:14Nanalangin siya,

“O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan, at ipinapakita ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo. 1Ki 8:23Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako at kayo rin ang tumupad sa araw na ito.

“At ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang inyong ipinangako sa inyong lingkod na si David na aking ama nang sinabi nʼyo po sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa aking mga Kautusan ang iyong mga angkan, tulad ng iyong ginawa.’ 1Ki 8:25; 2Sa 7:16Kaya ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.1Ki 8:17

“Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Diyos, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa Templo na ipinatayo ko? 1Ki 8:27; 2Ch 2:6; Isa 66:1Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya. Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong kayoʼy pararangalan. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin sa harap ng altar na ito. 1Ki 8:29; Deu 12:5; Deu 31:11Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.1Ki 8:30

“Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa Templo na ito upang sumumpa na inosente siya, 1Ki 8:31; Exo 22:11dinggin nʼyo po ito diyan sa langit at husgahan ang inyong mga lingkod, ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.1Ki 8:32

“Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo at manalangin sa Templong ito, 1Ki 8:33; Deu 28:25pakinggan nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.

“Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila, Lev 26:19; Deu 11:17; 1Ki 8:35dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.

“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman, 2Ch 20:9kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito, dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. Nang sa gayon, mananatili silang may galang sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.

“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar at hindi kabilang sa inyong bayang Israel ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito upang sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito, 1Ki 8:41; Isa 55:5dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman po nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.

“Kung ang inyo pong mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa Templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.

“Kung magkasala sila sa inyo – dahil wala kahit isa man na hindi nagkakasala – at sa inyong galit ay ipinatalo nʼyo sila sa kanilang mga kalaban at binihag at dinala sila sa malayo o sa malapit na lugar, 1Ki 8:46; Pro 20:9; Ecc 7:20; 1Jn 1:8at kung sa huliʼy magbago ang kanilang mga puso roon, at magsisi at magmakaawa po sa inyo na nagsasabi, ‘Nagkasala kami, at napakasama ng aming mga ginawa.’ Dan 9:13; Num 14:40Kung babalik po sila sa inyo nang buong pusoʼt isipan, doon sa lugar na pinagbihagan sa kanila, at manalangin po sila na nakaharap sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa kanilang mga ninuno, sa lungsod na ito na pinili po ninyo, at sa Templong aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, 1Sa 7:6; 1Ki 8:47dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan laban sa inyo.Psa 34:15

“O aking Diyos, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.

Ngayon, Panginoong Diyos,

pumasok po kayo sa inyong tahanan

kasama ang Kahon ng Kasunduan

na simbolo ng inyong kapangyarihan.

Nawaʼy maranasan ng inyong mga pari

ang inyong pagliligtas

at magsaya ang mga tapat na mamamayan

ninyo sa inyong kabutihan.Num 10:36; Psa 132:8

O Panginoong Diyos, huwag nʼyo pong

itakwil ang pinili nʼyong hari.

Alalahanin nʼyo po ang inyong ipinangako

kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.”2Sa 7:13; 2Sa 7:15