Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 41
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap.
Tutulungan siya ng Panginoon sa panahon ng kaguluhan.Pro 14:21; Dan 4:27; Luk 14:13
Ipagtatanggol siya ng Panginoon, at iingatan ang kanyang buhay.
Pagpapalain din siya sa lupain natin.
At hindi siya isusuko sa kanyang mga kaaway.
Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit,
at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman.Mat 9:22; Luk 7:7
Sinabi ko,
“O Panginoon, nagkasala ako sa inyo.
Maawa kayo sa akin,
at akoʼy pagalingin.”Psa 6:2
Ang aking mga kaaway
ay nagsasalita laban sa akin.
Sinasabi nila,
“Kailan ba siya mamamatay
upang makalimutan na siya?”
Kapag dumadalaw sila sa akin,
nagkukunwari silang nangungumusta,
pero nag-iipon lang pala sila
ng masasabi laban sa akin.
Kapag silaʼy lumabas na,
ikinakalat nila ito.
Ang lahat ng galit sa akin
ay masama ang iniisip tungkol sa akin,
at pinagbubulung-bulungan nila ito.Mat 22:15
Sinasabi nila,
“Malala na ang karamdaman niyan,
kaya hindi na ʼyan makakatayo!”Mrk 12:13; Mat 27:66
Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan
na kasalo ko palagi sa pagkain
at pinagkakatiwalaan,
nagawa akong pagtaksilan!Jhn 13:18; Act 1:16
Ngunit kayo Panginoon,
akoʼy inyong kahabagan.
Pagalingin nʼyo ako
upang makaganti na ako
sa aking mga kaaway.
Alam kong kayoʼy nalulugod sa akin,
dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.
Dahil akoʼy taong matuwid,
tinutulungan nʼyo ako at pinapanatili
sa inyong presensya magpakailanman.
Purihin ang Panginoon,
ang Diyos ng Israel, magpakailanman.
Amen! Amen!Psa 40:16