Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 76
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.
Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,
at sa Israel ay dakila siya.
Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.76:2 Jerusalem: Sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay “kapayapaan”.Ezr 1:3
Doon, sinira niya ang mga nagniningas
na palaso ng kaaway,
ang kanilang mga pananggalang, espada
at iba pang kagamitang pandigma.Psa 46:9; Isa 9:4
O Diyos, makapangyarihan kayo
at higit na dakila
habang bumababa kayo sa bundok
na kung saan pinatay nʼyo
ang inyong mga kaaway.76:4 habang … kaaway: Sa Septuagint, sa matatandang bundok.
Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
wala nang makakapagbuhat pa
ng kamay sa amin.
O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,76:6 sigaw: O saway.
ang mga kawal76:6 kawal: Sa literal, mangangabayo. at ang kanilang mga kabayo ay namatay.Jdg 5:22
Kaya dapat kayong katakutan.
Sinong makakatagal sa inyong harapan
kapag kayoʼy nagalit?
Mula sa langit ay humatol kayo.
Ang mga tao sa mundo
ay natakot at tumahimikRev 6:17
nang humatol kayo, O Diyos,
upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao76:10 ang … tao: O ang galit ng mga tao.
ay magbibigay ng karangalan sa inyo,
ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos
ang inyong galit.Ezk 28:22
Mangako kayo sa Panginoon
na inyong Diyos at tuparin ito.
Lahat kayong mga bansang nasa paligid,
magdala kayo ng mga regalo sa Diyos
na siyang karapat-dapat katakutan.Psa 61:8
Ibinababa niya ang mapagmataas
na mga pinuno;
kinatatakutan siya ng mga hari