ASDSa kadahilanang ito, akong si Pablo ay nakabilanggo ngayon dahil sa paglilingkod ko kay Kristo Hesus, sa pamamagitan ng pagtuturo ko sa inyong mga Hentil.
3:2
ASDSiguradong nabalitaan ninyo na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang pagpapahayag ng biyaya niya para sa inyo.
3:3
ASDGaya ng nabanggit ko sa sulat na ito, ang Diyos mismo ang nagpahayag sa akin tungkol sa kanyang lihim na plano.
3:4
ASDHabang binabasa ninyo ang sulat kong ito, malalaman ninyo ang pagkakaunawa ko sa planong ito patungkol kay Kristo.
3:5
ASDHindi inihayag ng Diyos ang planong ito sa mga tao noon, ngunit ipinahayag na niya ngayon sa mga banal na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Espiritu.
3:6
ASDAt ito nga ang plano ng Diyos: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay tatanggap ng mga pangako ng Diyos kasama ng mga Hudyo, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Kristo Hesus.
3:7
ASDDahil sa biyaya ng Diyos, naging tagapangaral ako ng Magandang Balitang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niya.
3:8
ASDKahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya, ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo,
3:9
ASDat ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Diyos. Noong unaʼy inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay,
3:10
ASDupang sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan.
3:11
ASDIto na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus na Panginoon natin.
3:12
ASDSa pananampalataya natin kay Kristo Hesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Diyos nang walang takot o pag-aalinlangan.
3:13
ASDKaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil ito sa ikabubuti ninyo.
3:14
ASDKapag naiisip ko ang mga ito, lumuluhod ako at nananalangin sa Ama,
3:15
ASDang manlilikha ng lahat ng nasa langit at nasa lupa.
3:16
ASDIpinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu
3:17
ASDupang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos,
3:18
ASD[3:18–19]upang maunawaan ninyo at ng iba pang mga hinirang kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Kristo. Maranasan ninyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, upang maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos.
3:19
ASD
3:20
ASDSa makakagawa ng higit pa sa hiniling o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin,
3:21
ASDpurihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Kristo Hesus. Amen.
Mesih'in sözleri:Çünkü Tanrı dünyayı o kadar sevdi ki
Çevirileriniz, en son “Karşılaştır” düğmesiyle açtığınız ya da hatırlanmasını istediğiniz karşılaştırmanın çevirileridir; henüz böyle bir karşılaştırma yoksa doğrudan – bir yer imi veya site dışındaki bir bağlantı üzerinden – açılan ilk karşılaştırma onun yerini alır. Çeviri sayısı en az ikiyse ve hepsinde bu bölüm varsa karşılaştırma seçim formu olmadan açılır.
Favorilerinizde görmek istediğiniz çevirileri yıldızla işaretleyin.
Yazı tipi
Metin boyutu
Başlangıçta Söz vardı. Söz Tanrı'yla birlikteydi ve Söz Tanrı'ydı
Oynatıcılar tıklama olmadan görünür ve kendiliğinden başlamaz; videolu sayfa hemen youtube.com ile bağlantı kurar. Bu ayar açıkken videolar YouTube'dan yüklenir.
Videoları şuradan yükle
YouTube yanıt vermezse video, orada bir kopya varsa sitenin sunucusundan yüklenir.
Ayarları sıfırla
Tüm ayarlar varsayılan değerlere sıfırlanacak. Emin misiniz?