ASD“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Napakabanal ng handog na ito.
7:2
ASDAng handog bilang kabayaran ng pagkakasala ay doon papatayin sa patayan ng mga handog na sinusunog. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar.
7:3
ASDAng lahat ng taba nito ay ihahandog – ang matabang buntot, ang tabang bumabalot sa lamang-loob,
7:4
ASDang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
7:5
ASDLahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog sa Panginoon sa pamamagitan ng apoy. Itoʼy handog bilang kabayaran ng pagkakasala.
7:6
ASDAng matitira ay maaaring kainin ng mga lalaking anak ng mga pari, pero dapat nila itong kainin sa isang banal na lugar dahil napakabanal nito.
7:7
ASD“ ‘Iisa ang tuntunin sa handog para sa kasalanan at sa handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito.
7:8
ASDAng balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito.
7:9
ASDGanoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali.
7:10
ASDAt ang lahat ng handog na pagkaing butil, may halo man itong langis ng olibo o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.
7:11
ASD“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog pangkapayapaan na iniaalay sa Panginoon:
7:12
ASD“ ‘Kung ang hayop na handog ay inialay bilang handog pasasalamat, sasamahan ito ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo ngunit walang halong pampaalsa, manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo, at tinapay na mula sa magandang klase ng harina na hinaluan ng langis ng olibo.
7:13
ASDMaliban dito, magdadala rin siya ng handog na tinapay na may pampaalsa bilang handog pangkapayapaan
7:14
ASDMag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.
7:15
ASDAng karne ng handog pangkapayapaan bilang pasasalamat ay dapat kainin ng taong nag-alay nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.
7:16
ASD“ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.
7:17
ASDAt kung mayroon pa ring matira hanggang sa pangatlong araw, dapat na itong sunugin.
7:18
ASDKapag may kumain pa nito sa pangatlong araw, hindi na tatanggapin ng Panginoon ang handog na ito at magiging walang kabuluhan ang handog niya. Ang handog na ito ay ituturing na kasuklam-suklam at magiging pananagutan pa ng sinumang kumain nito.
7:19
ASD“ ‘Kapag ang karne ay hindi sinasadyang nadikit sa anumang bagay na itinuturing na marumi, hindi na iyon dapat kainin, kundi susunugin na lang. Tungkol sa mga karneng maaaring kainin, itoʼy maaaring kainin ng sinumang itinuturing na malinis ayon sa batas.
7:20
ASDNgunit ang sinumang itinuturing na marumi at kakain ng karneng handog pangkapayapaan para sa Panginoon ay ititiwalag ng kanyang kababayan.
7:21
ASDAng sinumang nakahipo ng mga bagay na itinuturing na marumi, katulad ng dumi o sakit ng taong nakakahawa, hayop na itinuturing na marumi, o anumang bagay na kasuklam-suklam at pagkatapos ay kumain ng karne na inihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.’ ”
ASD“Sabihin ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng handog pangkapayapaan ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari.
7:30
ASDAt ang bahaging iyon ng handog na pagkain ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon; ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
7:31
ASDPagkatapos, susunugin ng paring namumuno ng seremonya ang taba sa altar, pero ang pitso ay para kay Aaron at sa kanyang angkan.
7:32
ASD[7:32–33]Ang kanang hita ng hayop na inihandog bilang handog pangkapayapaan ay ibibigay sa paring naghahandog ng dugo at taba nito.
7:33
ASD
7:34
ASDSapagkat ibinigay ng Panginoon ang pitso at paa ng inyong handog sa paring si Aaron at sa kanyang mga angkan. Ito ang bahaging para sa kanila magpakailanman.’ ”
7:35
ASDIyon ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon na ibinigay kay Aaron at sa kanyang mga angkan mula sa araw na silaʼy itinalagang maglingkod sa Panginoon bilang mga pari.
7:36
ASDNang araw na inordinahan sila, nag-utos ang Panginoon sa mga Israelita na dapat nilang ibigay ang bahaging iyon ng mga pari na para sa kanila magpakailanman, at dapat nila itong sundin hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
7:37
ASDIyon ang mga tuntunin para sa handog na sinusunog, handog na butil, handog para sa kasalanan, handog bilang kabayaran ng pagkakasala, handog para sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan.
7:38
ASDAng mga tuntuning ito ay ibinigay ng Panginoon kay Moises doon sa ilang sa Bundok ng Sinai, noong nag-utos ang Panginoon sa mga Israelita na maghandog sa kanya.
Mesih'in sözleri:Çünkü Tanrı dünyayı o kadar sevdi ki
Çevirileriniz, en son “Karşılaştır” düğmesiyle açtığınız ya da hatırlanmasını istediğiniz karşılaştırmanın çevirileridir; henüz böyle bir karşılaştırma yoksa doğrudan – bir yer imi veya site dışındaki bir bağlantı üzerinden – açılan ilk karşılaştırma onun yerini alır. Çeviri sayısı en az ikiyse ve hepsinde bu bölüm varsa karşılaştırma seçim formu olmadan açılır.
Favorilerinizde görmek istediğiniz çevirileri yıldızla işaretleyin.
Yazı tipi
Metin boyutu
Başlangıçta Söz vardı. Söz Tanrı'yla birlikteydi ve Söz Tanrı'ydı
Oynatıcılar tıklama olmadan görünür ve kendiliğinden başlamaz; videolu sayfa hemen youtube.com ile bağlantı kurar. Bu ayar açıkken videolar YouTube'dan yüklenir.
Videoları şuradan yükle
YouTube yanıt vermezse video, orada bir kopya varsa sitenin sunucusundan yüklenir.
Ayarları sıfırla
Tüm ayarlar varsayılan değerlere sıfırlanacak. Emin misiniz?