Malaki 2 farklı çevirilerde

Karşılaştırılacak çevirileri seçin

Listeye eklemek için bir çeviri seçin; sütunlar listenin sırasını izler.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Türkçe

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Türkçe

  • Temel Tercüme

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
2:1
ASD [2:1–2] Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga pari, “Ito ang aking babala sa inyo: Kung hindi ninyo pakikinggan ang sinasabi ko at hindi ninyo pahahalagahan ang pagpaparangal sa akin, susumpain ko kayo, pati na ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari. Sa katunayan, ginawa ko na iyan dahil hindi ninyo pinahahalagahan ang pagpaparangal sa akin.
2:2
ASD
2:3
ASD “Makinig kayo! Dahil sa inyo, parurusahan ko ang inyong mga lahi. Isasaboy ko sa inyong mukha ang dumi ng mga hayop na inyong inihahandog at itatapon din kayo sa tapunan ng mga dumi.
2:4
ASD Dapat ninyong malaman na binabalaan ko kayo upang magpatuloy ang aking kasunduan sa inyong ninunong si Levi,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
2:5
ASD Sa aking kasunduan kay Levi, ipinangako ko sa kanya ang buhay at kapayapaan, basta igalang lamang niya ako. At iyan nga ang kanyang ginawa.
2:6
ASD Itinuro niya ang katotohanan at hindi ang kasinungalingan. Mapayapa ang pakikitungo niya sa akin at namuhay siya nang matuwid. At tinulungan niya ang maraming tao upang huwag nang gumawa ng kasalanan.
2:7
ASD “Sa katunayan, tungkulin ninyong mga pari na turuan ang mga tao, na malaman nila ang tungkol sa akin. At dapat naman silang magpaturo sa inyo, dahil mga sugo kayo ng Panginoon ng mga Hukbo.
2:8
ASD Ngunit hindi ninyo sinunod ang aking mga pamamaraan. Ang mga turo ninyo ang nagtulak sa marami para magkasala. Sinira ninyo ang kasunduan ko sa ninuno ninyong si Levi,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
2:9
ASD “Kaya ipinahamak at ipinahiya ko kayo sa lahat ng tao dahil hindi ninyo sinunod ang aking mga pamamaraan, at may kinikilingan kayo sa inyong pagtuturo.”
2:10
ASD Sinabi ni Malakias sa mga Israelita: Hindi baʼt iisa ang ating ama? At iisang Diyos ang lumalang sa atin? Bakit hindi tayo nagiging tapat sa isaʼt isa? Sa ginagawa nating ito, nilalabag natin ang kasunduan ng Diyos sa ating mga ninuno.
2:11
ASD Naging taksil ang mga taga-Juda. Gumawa sila ng kasuklam-suklam sa Jerusalem at sa buong bansa ng Israel. Sapagkat dinungisan nila ang templo na mahal ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga babaeng sumasamba sa ibang mga diyos.
2:12
ASD Huwag na sanang ituring na kabilang sa mga mamamayan ng Israel ang mga taong gumagawa nito, pati na ang mga anak nila at mga apo, kahit na maghandog pa sila sa Panginoon ng mga Hukbo.
2:13
ASD Ito pa ang inyong ginagawa: Iyak kayo nang iyak sa altar ng Panginoon dahil hindi na niya pinapansin ang inyong mga handog at hindi na siya nalulugod sa mga iyon.
2:14
ASD Itinatanong ninyo, “Bakit?” Sapagkat saksi ang Panginoon na nagtaksil kayo sa asawa na inyong pinakasalan noong inyong kabataan. Sinira ninyo ang inyong kasunduan na magiging tapat kayo sa isaʼt isa.
2:15
ASD Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.
2:16
ASD Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.
2:17
ASD Sawang-sawa na ang Panginoon sa inyong mga sinasabi. Pero itinatanong pa ninyo, “Ano ang ikinasasawa niya sa amin?” Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Panginoon ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutya ninyong sinasabi, “Nasaan na ang Diyos ng katarungan?”