Sayılar 6 farklı çevirilerde

Karşılaştırılacak çevirileri seçin

Listeye eklemek için bir çeviri seçin; sütunlar listenin sırasını izler.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Türkçe

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Türkçe

  • Temel Tercüme

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
6:1
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
6:2
ASD “Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay gagawa ng isang panata na itatalaga niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Panginoonbilang Nazareo,
6:3
ASD hindi siya dapat uminom ng alak na mula sa ubas o ng kahit na anong nakalalasing na inumin. Hindi rin siya gagamit ng suka na galing sa anumang inuming nakalalasing. Hindi rin siya dapat uminom ng alak, o kumain ng ubas o pasas.
6:4
ASD Habang isa siyang Nazareo, hindi siya dapat kumain ng kahit anong galing sa ubas, kahit na buto o balat nito.
6:5
ASD “Hindi rin niya pagugupitan ang kanyang buhok habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon. Kailangang maging banal siya hanggang sa matapos ang panahon ng kanyang panata. Kaya hahayaan lang niyang humaba ang kanyang buhok.
6:6
ASD “At habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon, hindi siya dapat lumapit sa patay,
6:7
ASD kahit na ama pa niya ito, ina o kapatid. Hindi niya dapat dungisan ang kanyang sarili dahil lang sa kanila. Dahil ang kanyang buhok ay tanda ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon.
6:8
ASD Kaya sa buong panahon ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay, ibinukod siya para sa Panginoon.
6:9
ASD “Kung may biglang namatay sa kanyang tabi, at dahil ditoʼy nadumihan ang kanyang buhok na tanda ng kanyang pagkakatalaga sa Panginoon, kailangang ahitin niya ito sa ikapitong araw, iyon ang araw ng kanyang paglilinis.
6:10
ASD Sa ikawalong araw, kailangang magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa pari doon sa pintuan ng Toldang Tipanan.
6:11
ASD Ihahandog ng pari ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na sinusunog. Sa pamamagitan nito, mapapatawad siya sa kasalanan niya na paghipo sa patay. Sa mismong araw na iyon, itatalaga niyang muli ang kanyang sarili at muli niyang pahahabain ang kanyang buhok.
6:12
ASD Ang lumipas na mga araw ng kanyang paglilingkod sa Panginoon ay hindi kabilang sa pagtupad niya sa kanyang panata, dahil nadungisan siya nang nakahipo siya ng patay. Kailangang italaga niyang muli ang kanyang sarili hanggang sa matapos ang kanyang panata, at magdala siya ng lalaking tupa bilang handog na pambayad ng kanyang kasalanan.
6:13
ASD “Ito ang kanyang dapat gawin kapag natapos na niya ang kanyang panata bilang Nazareo: Kailangang dalhin siya sa pintuan ng Toldang Tipanan.
6:14
ASD Doon, maghahandog siya sa Panginoon ng mga sumusunod na hayop na walang kapintasan: isang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog, isang babaeng tupa na isang taóng gulang din bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan.
6:15
ASD Bukod pa rito, maghahandog din siya ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon, mga handog na inumin at isang basket ng tinapay na walang pampaalsa, na ginawa mula sa magandang klaseng harina. Ang ibang tinapay ay makapal na hinaluan ng langis, at ang iba naman ay manipis na pinahiran ng langis.
6:16
ASD “Ang pari ang maghahandog nito sa Panginoon: Ihahandog niya ang handog para sa kasalanan at ang handog na sinusunog;
6:17
ASD pagkatapos, ihahandog din niya ang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan kasama ang isang basket na tinapay na walang pampaalsa. At ihahandog din niya ang mga handog na pagkaing butil sa Panginoon at ang mga handog na inumin.
6:18
ASD “At doon sa pintuan ng Toldang Tipanan aahitin ng Nazareo ang kanyang buhok na simbolo ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon. Susunugin niya ito sa apoy na pinagsusunugan ng handog pangkapayapaan.
6:19
ASD “Pagkatapos nito, ilalagay ng pari sa kamay ng Nazareo ang balikat ng nilagang tupa at ang manipis at makapal na mga tinapay na walang pampaalsa na galing sa basket.
6:20
ASD Pagkatapos, kukunin ito ng pari at itataas sa presensya ng Panginoon bilang handog na handog na itinataas. Banal ang bahaging ito ng handog, at ito ay nakatalaga para sa pari, pati ang dibdib at paa ng tupa na itinaas din sa Panginoon. Pagkatapos nito, maaari nang makainom ng alak na ubas ang Nazareo.
6:21
ASD “Ito ang tuntunin para sa isang Nazareo. Subalit kung mangangako ang isang Nazareo na maghahandog siya sa Panginoon nang sobra sa ipinapatupad sa kanyang panata, dapat niya itong sundin.”
6:22
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
6:23
ASD “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na ito ang kanilang sasabihin kapag magbabasbas sila sa mga Israelita:
6:24
ASD ‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
6:25
ASD Ipakita nawa ng Panginoon ang kanyang kabutihan at awa sa inyo.
6:26
ASD At malugod nawa ang Panginoon sa inyo at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
6:27
ASD “Sa pamamagitan nitoʼy maipapahayag nila sa mga Israelita kung sino ako, at pagpapalain ko sila.”