Jer Jeremias, kabanata Ang Aklat ni Jeremias, kabanata 9
Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilang
upang makalayo ako
sa aking mga kababayan,
sapagkat silang lahat
ay nagtaksil na katulad ng
mga babaeng nangangalunya.”
“Lagi silang handang magsinungaling
na parang pana na handa nang itudla.
Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing ito
at hindi ang katotohanan.
Malala na ang paggawa nila ng kasalanan
at hindi nila ako kinikilala,”
wika ng Panginoon.