Быццё 13 у розных перакладах
Ang Salita ng Diyos
13:1
ASD
Kaya umalis si Abram sa Ehipto, at nagtungo pahilaga sa Negeb kasama ang kanyang asawa at dala ang lahat ng kanyang ari-arian, at sumáma rin sa kanila si Lot.
13:2
ASD
Napakayaman na noon ni Abram, marami na siyang hayop, pilak at ginto.
13:3
ASD
Mula sa Negeb, nagpalipat-lipat sila hanggang makabalik sila sa lugar na dati nilang pinagtayuan ng tolda. Ang lugar na ito ay nasa gitna ng Betel at Ai.
13:4
ASD
Dito rin siya unang nagtayo ng altar nang dumating sila sa Canaan. At doon, muling sumamba si Abram sa Panginoon.
13:5
ASD
Si Lot na laging kasama ni Abram saan man siya pumunta ay may sarili ring mga hayop at mga tolda.
13:6
ASD
At dahil marami na silang mga hayop at iba pang mga ari-arian, hindi sila maaaring manirahan sa iisang lugar. Ang pastulan ay hindi magkakasya sa kanila.
13:7
ASD
Dahil dito, nag-away-away ang mga tagapagbantay ng mga hayop nila. Nang panahong iyon, ang mga Cananeo at mga Perezeo ay nakatira rin sa lupaing iyon.
13:8
ASD
Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Tayo at ang mga tauhan natin ay hindi dapat mag-away, dahil tayoʼy magkakamag-anak.
13:9
ASD
Ang mabuti pa, maghiwalay na lang tayo dahil malawak pa ang lugar na maaaring pagpilian. Ikaw ang mamili kung aling bahagi ng lupain ang pipiliin mo. Kung kakaliwa ka, kakanan ako; kung kakanan ka, kakaliwa naman ako.”
13:10
ASD
Tinanaw ni Lot ang buong paligid at nakita niya na ang Lambak ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, katulad ng halamanan ng Panginoon at ng lupain ng Ehipto. (Nangyari ito noong hindi pa winasak ng Panginoon ang Sodoma at Gomora.)
13:11
ASD
Kaya pinili ni Lot ang buong Lambak ng Jordan sa dakong silangan. Sa ganoong paraan, naghiwalay sila ni Abram.
13:12
ASD
Si Abram ay nagpaiwan sa Canaan habang si Lot naman ay naroon sa mga lungsod sa kapatagan. Nagtayo si Lot ng mga tolda malapit sa Sodoma.
13:13
ASD
Ang mga tao sa Sodoma ay napakasama. Labis ang pagkakasala nila sa Panginoon.
13:14
ASD
Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang buong palibot mo.
13:15
ASD
Ang lahat ng lupaing maaabot ng iyong paningin ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga lahi, at magiging inyo ito magpakailanman.
13:16
ASD
Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng alikabok sa lupa. Ang alikabok ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang.
13:17
ASD
Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.”
13:18
ASD
Kaya inilipat ni Abram ang kanyang tolda, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon.