Лікі 23 у розных перакладах
Ang Salita ng Diyos
23:1
ASD
Sinabi ni Balaam kay Balak, “Pagawan mo ako rito ng pitong altar, at ipaghanda mo ako ng pitong toro at pitong matandang lalaking tupa.”
23:2
ASD
Sinunod ni Balak ang sinabi ni Balaam, at silang dalawa ang naghandog ng toro at ng lalaking tupa sa bawat altar.
23:3
ASD
Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Dito ka lang sa tabi ng iyong handog dahil aalis ako. Baka makipagkita ang Panginoon sa akin. Sasabihin ko na lang sa iyo kung ano ang sasabihin niya sa akin.” Kaya umakyat siya sa itaas ng burol.
23:4
ASD
Nakipagkita ang Panginoon sa kanya at sinabi ni Balaam, “Nagpagawa po ako ng pitong altar, at sa bawat altar ay naghandog ako ng isang batang toro at tupa.”
23:5
ASD
Binigyan ng Panginoon si Balaam ng mensahe at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at sabihin sa kanya ang mensaheng ito.”
23:6
ASD
Kaya bumalik si Balaam, at nakita niya si Balak na nakatayo sa tabi ng kanyang mga handog, kasama ng lahat ng pinuno ng Moab.
23:7
ASD
Pagkatapos, sinabi ni Balaam, “Ipinatawag mo ako, Haring Balak ng Moab, mula sa Aram, sa kabundukan sa silangan. Sinabi mo sa akin, ‘Dali, sumpain mo ang mga lahi ni Jacob para sa akin. Sumpain sila na mga mamamayan ng Israel.’
23:8
ASD
Paano ko susumpain ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko tutuligsain ang mga taong hindi tinuligsa ng Panginoon?
23:9
ASD
Mula sa itaas ng bundok, nakita ko sila. Nabubuhay sila nang sila lang, na nakabukod sa ibang mga bansa.
23:10
ASD
Sino ba ang may kakayahang bilangin ang dami ng lahi ni Jacob? Napakarami nila na parang alikabok. Mamatay sana ako na tulad ng matuwid; ang wakas ng buhay koʼy gaya ng sa kanya.”
23:11
ASD
Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ano itong ginawa mo sa akin? Dinala kita rito para sumpain ang aking mga kaaway ngunit ang ginawa mo, binasbasan mo pa sila!”
23:12
ASD
Sumagot si Balaam, “Kailangang sabihin ko ang sinabi ng Panginoon sa akin.”
23:13
ASD
Pagkatapos, sinabi ni Balak sa kanya, “Sumama ka sa akin sa isa pang lugar na kung saan makikita mo ang iba pang mga mamamayan ng Israel, ngunit hindi ang lahat. At doon, sumpain mo sila.”
23:14
ASD
Kaya dinala ni Balak si Balaam sa isang bukid sa Zofim, sa ibabaw ng bundok ng Pisga, at doon nagpatayo sila ng pitong altar at naghandog ng pitong baka at pitong lalaking tupa, isa sa bawat altar.
23:15
ASD
Sinabi ni Balaam kay Balak, “Dito ka lang sa tabi ng iyong handog habang nakikipagkita ako sa Panginoon diyan sa unahan.”
23:16
ASD
Nakipagkita ang Panginoon kay Balaam at binigyan niya siya ng mensahe. At sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at sabihin mo sa kanya ang mensaheng ito.”
23:17
ASD
Kaya nagbalik si Balaam kay Balak, at nakita niya siya na nakatayo sa tabi ng kanyang handog, kasama ng mga pinuno ng Moab. Nagtanong si Balak kay Balaam, “Ano ang sinabi ng Panginoon sa iyo?”
23:18
ASD
Sinabi ni Balaam, “Dali, Balak na anak ni Zipor, at pakinggan mo ako.
23:19
ASD
Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling, o magbabago ng kanyang isip. Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa? Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad?
23:20
ASD
Inutusan niya akong magbasbas, at kapag nabasbasan na niya, hindi ko na ito mababawi pa.
23:21
ASD
Wala akong nakitang kapahamakan o kaguluhang darating sa Israel. Kasama nila ang Panginoon na kanilang Diyos; kinikilala nila siya na kanilang hari.
23:22
ASD
Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila ay katulad siya ng isang malakas na toro.
23:23
ASD
Walang manghuhula o mangkukulam na makakasakit sa kanila. Kaya sasabihin ng mga tao tungkol sa Israel, ‘Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng Diyos sa Israel.
23:24
ASD
Tulad ng isang leong handang sumalakay ang mamamayang ito at hindi nagpapahinga hanggang sa malamon niya ang kanyang biktima at mainom ang dugo nito.’ ”
23:25
ASD
Pagkatapos, sinabi ni Balak kay Balaam, “Kung hindi mo sila susumpain, huwag mo silang pagpapalain!”
23:26
ASD
Sumagot si Balaam, “Hindi baʼt sinabihan na kita na kailangang gawin ko kung ano ang sasabihin ng Panginoon sa akin?”
23:27
ASD
Muling sinabi ni Balak kay Balaam, “Halika, dadalhin kita sa ibang lugar. Baka roon, pumayag na ang Diyos na sumpain mo ang Israel para sa akin.”
23:28
ASD
Kaya dinala ni Balak si Balaam sa ibabaw ng Bundok ng Peor, kung saan nakikita ang disyerto sa ibaba.
23:29
ASD
Sinabi ni Balaam, “Pagawan mo ako dito ng pitong altar at maghanda ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa para sa akin.”
23:30
ASD
Kaya ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam, at naghandog siya ng isang baka at isang tupa sa bawat altar.