Псалтыр 90 у розных перакладах
Ang Salita ng Diyos
90:0
ASD
Ang panalangin ni Moises na lingkod ng Diyos.
90:1
ASD
Panginoon, kayo ang aming naging tahanan sa lahat ng salinlahi.
90:2
ASD
Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok, ang mundo, at ang sanlibutan, kayoʼy nariyan na, sapagkat kayoʼy Diyos magpakailanman.
90:3
ASD
Kayo ang nagpapasya kung kailan mamamatay ang isang tao. Ibinabalik nʼyo siya sa lupa dahil sa lupa siya nagmula.
90:4
ASD
Ang isang libong taon sa amin ay parang isang araw lang na lumipas sa inyo, o parang ilang oras lang sa gabi.
90:5
ASD
Winawakasan nʼyo ang aming buhay na parang isang panaginip na biglang nawawala,
90:6
ASD
o para ding damong tumutubo at lumalago sa umaga, ngunit kinahapunaʼy natutuyo at nalalanta.
90:7
ASD
Dahil sa inyong galit kami ay natutupok. Sa tindi ng inyong poot kami ay natatakot.
90:8
ASD
Nakikita nʼyo ang aming mga kasalanan, kahit ang mga kasalanang lihim naming ginawa ay inyong nalalaman.
90:9
ASD
Totoong sa galit nʼyo kami ay mamamatay; matatapos ang aming buhay sa isang buntong hininga lamang.
90:10
ASD
Ang buhay namin ay hanggang pitumpung taon lang, o kung malakas pa ay aabot ng walumpung taon naman. Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon ay puno ng paghihirap at kaguluhan. Talagang hindi magtatagal ang buhay namin at kami ay mawawala.
90:11
ASD
Walang lubos na nakakaunawa ng inyong matinding galit. Matindi nga kayong magalit, kaya nararapat kayong katakutan.
90:12
ASD
Ipaunawa nʼyo sa amin na ang buhay namin ay maiksi lang, upang matuto kaming mamuhay nang may karunungan.
90:13
ASD
Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Dinggin nʼyo kami at kahabagan, kami na inyong mga lingkod.
90:14
ASD
Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa amin ang inyong tapat na pag-ibig, upang umawit kami nang may kagalakan at maging masaya habang nabubuhay.
90:15
ASD
Bigyan nʼyo kami ng kagalakan na kasintagal ng panahon na kami ay inyong pinarusahan at pinahirapan.
90:16
ASD
Ipakita nʼyo sa amin na inyong mga lingkod, at sa aming mga salinlahi, ang inyong kapangyarihan at mga dakilang gawa.
90:17
ASD
Panginoon naming Diyos, pagpalain nʼyo sana kami at pagtagumpayin ang aming mga gawain.