Psa Mga Salmo, salmo Mga SalmoAng Libro sa Mga Salmo, salmo 2

Mga hubad

Bakit nagsasabwatan ang mga bansa

at ang mga taoʼy nagpaplano

nang walang patutunguhan?Act 4:25

Ang mga hari ng mundoʼy

handa nang makipagdigma,

ang mga pinuno ay nagkaisa

laban sa Panginoon,

at laban sa kanyang Mesias.

Sinabi nila,

“Lagutin natin ang kanilang mga kadena

Huwag na tayong pasakop kanila!”

Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit

ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.Deu 28:63; Pro 1:26

Sa galit ng Diyos, silaʼy binigyang-babala,

at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.

Sinabi niya,

“Iniluklok ko na ang hinirang kong hari

sa kanyang trono sa Zion,2:6 Zion: O Jerusalem.

sa banal kong bundok.”Psa 93:1; Jhn 18:37; Heb 12:22

Sinabi ng hari,

“Sasabihin ko ang sinabi

sa akin ng Panginoon:

‘Ikaw ang aking Anak, at ngayon,

ako na ang iyong Ama.Act 13:33; Heb 1:5; Heb 5:5

Sa akiʼy hilingin mo ang mga bansa

sa buong mundo,

at ibibigay ko ito bilang mana mo.Psa 22:27

Pamumunuan mo sila,

at walang sasalungat sa iyong pamamahala.

Silaʼy magiging parang palayok

na iyong dudurugin.’ ”Rev 2:27; Rev 19:15

Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo,

unawain ninyo ang mga salitang ito

at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.

Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,

at magalak kayo sa kanya.

Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang,

kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya.

Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.Psa 34:8; Pro 16:20; Isa 30:18; 1Pe 2:6