1Pe 1 Pedro1. Petrův, kabanatakapitola Ang Unang Sulat ni PedroPrvní list Petrův, kabanatakapitola 1

Překlady

Mula kay Pedro na apostol ni Hesu-Kristo,

Sa mga naninirahan bilang mga dayuhan at nangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia, na pinili 1Pe 2:9ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin noon pa at pinabanal ng Espiritu, upang sundin si Hesu-Kristo at linisin sa mga kasalanan ninyo sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.Eph 1:4; Eph 1:7; Heb 12:24

Papuri sa Diyos para sa Isang Buháy na Pag-asa

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Rom 6:4; Eph 1:3Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. 2Ti 4:8At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon. Jhn 10:28Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, Mat 5:12; 2Co 4:17upang masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy upang malaman kung tunay o hindi. Ngunit mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nasisira. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Hesu-Kristo. Job 23:10; Pro 17:3; Zec 13:9Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita, Jhn 20:29; 2Co 5:7dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.Rom 6:23

Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin. Gen 49:10; Dan 2:44; Dan 9:24; Mat 13:17; 2Pe 1:21Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Kristo na nasa kanila, na maghihirap ang Mesias bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari. Psa 22:6; Isa 53:3Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa inyo. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.Eph 3:10; 1Ti 3:16

Magpakabanal Kayo

Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo. Luk 12:35Bilang masunuring mga anak ng Diyos, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos. Act 17:30Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Luk 1:75Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”1:16 Lev. 11:44, 45; 19:2.Lev 19:2; Lev 11:44

Walang pinapaboran ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito. Deu 10:17Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos. 1Jn 1:7; 1Co 6:20; Eph 1:7; Heb 9:14; Rev 1:5Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Diyos si Kristo upang maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Diyos nitong mga huling araw alang-alang sa inyo. Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Diyos, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso, 1Pe 2:17dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos. Jas 1:18Ayon sa Kasulatan:

“Ang lahat ng tao ay parang damo,

ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”1:25 Isa. 40:6‑8. Ito ay hango sa saling Septuagint.

At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.Isa 40:6