2Ki 2 Mga Hari, kabanata Ang Ikalawang Aklat ng Mga Hari, kabanata 21
Ang Paghahari ni Manases sa Juda
Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng limampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Hefziba. 2Ch 33:1Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita. Deu 18:9; 2Ch 28:3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ang mga altar para kay Baal at nagpagawa ng posteng imahen ng diyosang si Ashera, tulad ng ipinagawa ni Haring Ahab ng Israel. Sumamba siya sa lahat ng bagay na nasa langit. 2Ch 33:3Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang lugar na sinabi ng Panginoon na pararangalan siya. Deu 12:5; Deu 12:11; 2Sa 7:13; 1Ki 8:29; 1Ki 9:3; Jer 32:34Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit. Inihandog pa niya ang sarili niyang anak sa apoy. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga mangkukulam at mga manghuhula, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng patay. Labis ang pagkakasala ni Manases na nakapagpagalit sa Panginoon.Lev 19:26; Deu 18:10; 1Sa 28:9; Jer 32:35
Ang ipinagawa niyang posteng imahen ng diyosang si Ashera ay inilagay niya sa Templo, ang lugar kung saan sinabi ng Panginoon kay David at sa anak nitong si Solomon, “Pararangalan ako habambuhay sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na pinili ko sa lahat ng lahi ng Israel. 1Ki 9:3Kung tutuparin lang ng mamamayan ng Israel ang lahat ng kautusan na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ng lingkod kong si Moises, hindi ko ipahihintulot na palayasin sila sa lupaing ito na ibinigay ko sa mga ninuno nila.” 2Ch 33:8Pero ayaw makinig ng mga tao. Inudyukan sila ni Manases sa paggawa ng masasama at ang ginawa nila ay mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.2Ch 33:9
Sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta: 2Ch 33:18“Gumawa si Haring Manases ng Juda ng mga kasuklam-suklam na gawain, na mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga Amoreo na nakatira sa lupaing ito bago dumating ang mga Israelita. Inudyukan niya ang mga taga-Juda sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan niya. 2Ki 24:3Kaya ako, ang Panginoon na Diyos ng Israel, ay magpapadala ng kapahamakan sa Jerusalem at sa Juda, at ang bawat isa na makakarinig nito ay matatakot. 1Sa 3:11; Jer 19:3Hahatulan ko ang Jerusalem katulad nang paghatol ko sa Samaria at sa sambahayan ni Haring Ahab. Lilinisin ko ang Jerusalem tulad ng pinggan na pinunasan at itinaob. Isa 34:11; Lam 2:8; Amo 7:9Itatakwil ko kahit pa ang natira sa aking mga mamamayan at ibibigay ko sila sa mga kaaway nila bilang bihag. Mangyayari ito sa kanila dahil masama ang ginawa nila sa paningin ko at ginalit nila ako, mula pa nang lumabas ang mga ninuno nila sa Ehipto hanggang ngayon.”Jer 15:4
Maraming inosenteng tao ang pinatay ni Manases hanggang sa dumanak ang dugo sa mga daanan ng Jerusalem. Hindi pa kabilang dito ang kasalanan na ginawa niya na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda sa paningin ng Panginoon.2Ki 24:4; Ezk 22:4
Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Manases, at lahat ng ginawa niya, pati ang mga kasalanan na ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 2Ch 33:18Namatay si Manases, at inilibing siya sa hardin ng kanyang palasyo, na tinatawag na Uza. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.2Ch 33:20
Ang Paghahari ni Amon sa Juda
Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Mesulemet na taga-Jotba at anak ni Haruz. 2Ch 33:21Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Manases na kanyang ama. 2Ch 33:22Sinunod niya ang pamumuhay ng kanyang ama. Sinamba niya ang mga diyos-diyosan na sinasamba nito at itinakwil niya ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno niya. Hindi niya sinunod ang pamamaraan ng Panginoon.1Ki 11:33
Nagplano ng masama ang mga opisyal ni Amon laban sa kanya at pinatay siya sa palasyo niya. 2Ki 12:20Ngunit pinatay ng mamamayan ng Juda ang lahat ng pumatay kay Haring Amon. At ang anak niyang si Josias ang ipinalit nila bilang hari.2Ki 14:5; 2Ch 33:25
Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amon, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 2Ch 33:21Inilibing si Amon sa libingan niya sa hardin na tinatawag na Uza. At ang anak niyang si Josias ang pumalit sa kanya bilang hari.2Ch 33:25