Isa Isaias, kabanata Ang Aklat ni Isaias, kabanata 4
Sa mga araw na iyon, pitong babae
ang mag-aagawan sa iisang lalaki
at sasabihin nila,
“Kami na ang bahala sa pagkain
at damit namin,
pakasalan mo lang kami
upang hindi kami maging kahiya-hiya
dahil wala kaming asawa.”Gen 30:23
Muling Itatayo ang Jerusalem
Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim4:2 mga pananim: Sa literal, mga sanga. sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. Jer 23:5; Jhn 1:9Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem. Luk 10:20Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. Ezk 24:6; Jhn 16:8; Eph 5:26Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda, Exo 13:21; Isa 10:32; 1Co 10:1at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.Isa 25:4; Hos 14:7; Mat 7:25