Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 121

Překlady Porovnat

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

Napapatanaw ako sa mga bundok;

saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?2Ch 20:12

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.2Ch 20:17; Psa 124:8

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Pakinggan mo ito!

Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.1Ki 8:52

Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;

siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.121:6 Noon, alam na ng mga sinaunang tao na nagdudulot ng kapinsalaan ang matinding sikat ng araw, at naniniwalang ang liwanag ng buwan ay may dalang sakit.Jon 4:8

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;

pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,

ngayon at magpakailanman.