Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 31
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga.
Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya.
Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.Isa 49:23
Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas.
Kayo sa akin ay batong kanlungan,
at pader na tanggulan
para sa aking kaligtasan.
Dahil kayo ang aking matibay
na batong kanlungan,
pangunahan nʼyo ako at patnubayan
nang kayo ay aking maparangalan.Psa 18:2
Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway,
dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.
Ipinagkakatiwala ko sa inyong
mga kamay ang aking espiritu.
Iligtas nʼyo ako, Panginoon,
dahil kayo ang Diyos na maaasahan.Luk 23:46
Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba
sa mga diyos-diyosan na walang kabuluhan,
dahil sa inyo ako nagtitiwala.Deu 32:21; Psa 62:10
Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig,
dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa,
at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.
Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway,
sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan.Psa 18:19
Panginoon, kahabagan nʼyo po ako,
dahil akoʼy labis nang nahihirapan.
Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak,
at nanghihina na ako.Psa 6:7
Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian;
umiikli ang buhay ko
dahil sa pag-iyak at kalungkutan.
Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan,
at parang nadudurog na ang aking mga buto.Psa 109:24
Kinukutya ako ng aking mga kaaway,
at hinahamak ng aking mga kapitbahay.
Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan;
kapag nakikita nila ako sa daan,
akoʼy kanilang nilalayuan.Job 19:13
Para akong patay na kanilang kinalimutan,
at parang basag na sisidlang
wala nang halaga.Ecc 9:5; Jer 48:38
Marami akong naririnig na banta laban sa akin.
Natatakot akong pumunta kahit saan,
dahil plano nilang patayin ako.Psa 2:2
Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.
Sinasabi kong,
“Kayo ang aking Diyos!”
Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay.
Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.Psa 39:4; Psa 139:16
Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod.
Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako.Num 6:25; Psa 4:6; Dan 9:18
Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya,
dahil sa inyo ako tumatawag.
Ang masasama sana ang mapahiya
at manahimik doon sa libingan.
Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling,
pati ang mga mayayabang at mapagmataas
na binabalewala at hinahamak
ang mga matutuwid.
O kay dakila ng inyong kabutihan;
sa mga may takot sa inyo,
pagpapalaʼy inyong inilaan.
Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan
sa mga taong kayo ang kanlungan.Isa 64:4
Itinago nʼyo sila sa ilalim
ng inyong pagkalinga.
At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak
at pang-iinsulto ng iba.1Sa 25:29; Psa 27:5
Purihin ang Panginoon,
dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin
noong akoʼy naipit sa isang
sinasalakay na bayan.Psa 4:3
Doon akoʼy natakot at nasabi ko,
“Binalewala na ako ng Panginoon.”
Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan,
at akoʼy kanyang tinulungan.Psa 145:19
O, kayong tapat niyang mga mamamayan,
mahalin ninyo ang Panginoon.
Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya,
ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.Job 22:29; Pro 29:23; 1Pe 5:5
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.