2. Paralipomenon 32 v různých překladech

Vyberte překlady k porovnání

Vyberte překlad, aby se přidal do seznamu; sloupce jdou v pořadí seznamu.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Čeština

Русский

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Čeština

  • Slovo na cestu

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
32:1
ASD Matapos magampanan nang tapat ni Ezequias ang mga gawaing ito, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria ang Juda. Sinalakay niya ang mga napapaderang lungsod at inutusan ang mga sundalo niyang pasukin ang mga ito dahil iniisip niyang masasakop niya ito.
32:2
ASD Nang makita ni Ezequias na pati ang Jerusalem ay lulusubin ni Senaquerib,
32:3
ASD kinausap niya ang kanyang mga opisyal at mga pinuno ng kanyang mga sundalo. Nagkaisa silang patigilin ang pagdaloy ng mga bukal sa labas ng lungsod.
32:4
ASD Kaya nagtipon sila ng maraming tao at tinambakan nila ang mga bukal at lambak na dinadaluyan ng tubig sa lupain. Sapagkat sinabi nila, “Pagdating dito ng mga hari ng Asiria, kakapusin sila ng tubig.”
32:5
ASD Pagkatapos, pinatibay pa ni Ezequias ang kanyang mga depensa sa pamamagitan ng pagpapaayos ng mga pader at pagpapatayo ng mga tore. Pinalibutan pa niya ng isa pang pader ang lungsod, at pinatambakan ng lupa ang mababang bahagi ng Lungsod ni David. Nagpagawa rin siya ng maraming armas at mga pananggalang.
32:6
ASD Nagtalaga siya ng mga pinuno sa mga tao, at ipinatipon niya sila sa plasa, malapit sa pintuan ng lungsod. Pinalakas niya ang kanilang loob, sinabi niya,
32:7
ASD “Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa hari ng Asiria o sa marami niyang sundalo. Sapagkat higit na makapangyarihan ang sumasaatin kaysa sa kanya.
32:8
ASD Mga tao lang ang kasama niya; pero tayo, kasama natin ang Panginoon na ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipaglaban para sa atin.” Kaya tumatag ang mga tao dahil sa sinabi ni Haring Ezequias ng Juda.
32:9
ASD Habang nilulusob ni Haring Senaquerib at ng kanyang mga sundalo ang lungsod ng Laquis, isinugo niya ang kanyang mga opisyal sa Jerusalem para sabihin ito kay Haring Ezequias at sa mga mamamayan doon:
32:10
ASD “Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?
32:11
ASD Sinabi ni Ezequias sa inyo na ililigtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa kamay ng hari ng Asiria, pero inililigaw lang niya kayo upang mamatay kayo sa gutom at uhaw.
32:12
ASD Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.
32:13
ASD “ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?
32:14
ASD Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga ninuno? Makakapagligtas ba sa inyo ang inyong diyos mula sa aking mga kamay?
32:15
ASD Huwag kayong magpaloko kay Ezequias. Huwag kayong makinig sa kanya, dahil walang diyos sa kahit saan mang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay o sa kamay ng aking mga ninuno. At lalung-lalo na ang inyong diyos!’ ”
32:16
ASD May idinagdag pang masamang mga salita ang mga opisyal ni Senaquerib laban sa Panginoong Diyos at sa kanyang lingkod na si Ezequias.
32:17
ASD Nagpadala pa si Haring Senaquerib ng mga sulat upang insultuhin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito ang sulat niya: “Ang mga diyos ng ibang mga bansa ay hindi nailigtas ang kanilang mga mamamayan mula sa aking kamay. Kaya ang diyos ni Ezequias ay hindi rin maililigtas ang kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay.”
32:18
ASD Sinabi ito nang malakas ng mga opisyal ni Senaquerib sa wikang Hebreo upang takutin ang mga mamamayan ng Jerusalem na nagtitipon noon sa may pader. At kapag natakot na ang mga tao, madali na nilang masasakop ang lungsod.
32:19
ASD Ang mga opisyal ay nagsabi na ang Diyos ng Jerusalem ay gaya ng mga diyos ng ibang bansa na gawa lang ng tao.
32:20
ASD Nanalangin sina Haring Ezequias at si Propeta Isaias na anak ni Amoz sa Diyos sa langit.
32:21
ASD At nagpadala ang Panginoon ng anghel na lumipol sa matatapang na sundalo, mga kumander, at sa mga opisyal sa kampo ng hari ng Asiria. Kaya umuwi si Haring Senaquerib na labis na napahiya. At nang pumasok siya sa templo ng kanyang diyos, pinatay siya ng iba niyang mga anak sa pamamagitan ng espada.
32:22
ASD Kaya iniligtas ng Panginoon si Ezequias at ang mga mamamayan ng Jerusalem sa kamay ni Haring Senaquerib ng Asiria at sa kamay ng iba pang mga kalaban. Binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang paligid.
32:23
ASD Maraming tao ang nagdala ng mga handog sa Jerusalem para sa Panginoon. Nagdala rin sila ng mga mamahaling regalo kay Haring Ezequias. Mula noon, pinarangalan si Ezequias ng lahat ng bansa.
32:24
ASD Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias at halos mamatay na. Nanalangin siya sa Panginoon, at binigyan siya ng Panginoon ng isang tanda na gagaling siya.
32:25
ASD Ngunit nagyabang si Ezequias at binalewala niya ang kabutihang ipinakita ng Panginoon sa kanya. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanya at sa mga mamamayan ng Juda at Jerusalem.
32:26
ASD Pagkatapos, nagsisi si Ezequias sa kanyang pagmamalaki, at ganoon din ang mga mamamayan ng Jerusalem. Kaya hindi ipinadama ng Panginoon ang kanyang galit sa kanila habang nabubuhay pa si Ezequias.
32:27
ASD Si Ezequias ay mayaman at tanyag. Nagpagawa siya ng mga bodega para sa kanyang mga pilak, ginto, mamahaling bato, pampalasa, pananggalang at iba pang mamahaling bagay.
32:28
ASD Nagpagawa rin siya ng mga bodega para sa kanyang mga trigo, bagong alak at langis. Bukod pa rito, nagpagawa rin siya ng mga kulungan para sa kanyang mga hayop,
32:29
ASD dahil napakarami niyang hayop. Nagpatayo rin siya ng mga bayan, dahil binigyan siya ng Diyos ng maraming kayamanan.
32:30
ASD Si Ezequias ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kanyang ginawa.
32:31
ASD Ngunit sinubok siya ng Diyos nang dumating ang mga opisyal mula sa Babilonia na nag-usisa tungkol sa kamangha-manghang nangyari sa Juda. Ginawa ito ng Diyos upang malaman kung ano talaga ang nasa puso ni Ezequias.
32:32
ASD Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ezequias at ang pag-ibig niya sa Panginoon ay nakasulat sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, na bahagi ng Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.
32:33
ASD Nang mamatay si Ezequias, inilibing siya sa ibabaw na bahagi ng libingan ng mga angkan ni David. Pinarangalan siya ng lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem nang mamatay siya. At ang anak niyang si Manases ang pumalit sa kanya bilang hari.