Skutky 9 v různých překladech
Ang Salita ng Diyos
9:1
ASD
Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga alagad ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari
9:2
ASD
at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya doon na sumusunod sa Daan, lalaki man o babae.
9:3
ASD
Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit.
9:4
ASD
Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”
9:5
ASD
Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig.
9:6
ASD
Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
9:7
ASD
Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita.
9:8
ASD
Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.
9:9
ASD
Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.
9:10
ASD
Doon sa Damasco ay may isang alagad na ang pangalan ay Ananias. Nagpakita sa kanya ang Panginoon sa isang pangitain at sinabi, “Ananias!” Sumagot siya, “Narito po ang inyong lingkod, Panginoon.”
9:11
ASD
Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Pumunta ka sa daang tinatawag na Matuwid, at doon sa bahay ni Judas ay hanapin mo ang taong taga-Tarso na ang pangalan ay Saulo. Nananalangin siya ngayon,
9:12
ASD
at ipinakita ko sa kanya sa isang pangitain na pumasok ang isang lalaking nagngangalang Ananias sa kinaroroonan niya at ipinatong ang mga kamay sa kanya upang muli siyang makakita.”
9:13
ASD
Subalit sumagot si Ananias, “Panginoon, marami po akong nababalitaan tungkol sa taong iyon, na pinagmamalupitan niya ang inyong mga hinirang sa Jerusalem.
9:14
ASD
Narito siya ngayon sa Damasco at binigyan siya ng mga namamahalang pari ng kapangyarihang hulihin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.”
9:15
ASD
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ananias, “Pumunta ka. Sapagkat siya ang pinili kong lingkod na magpapahayag tungkol sa akin sa mga Hentil at sa kanilang mga hari, at sa mga Israelita.
9:16
ASD
Ipapakita ko rin sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”
9:17
ASD
Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa naturang bahay at pumasok siya rito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoong Hesus na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito ang nagsugo sa akin. Inutusan niya ako rito upang muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
9:18
ASD
Biglang may nahulog na parang mga kaliskis ng isda mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.
9:19
ASD
At pagkatapos, kumain siya at muling lumakas. Nanatili si Saulo ng ilang araw sa Damasco kasama ng mga alagad.
9:20
ASD
Agad niyang ipinangaral sa mga sinagoga na si Hesus ang Anak ng Diyos.
9:21
ASD
Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. Sinabi nila, “Hindi baʼt ito ang lalaking nagpahirap sa mga sumasampalataya kay Hesus sa Jerusalem? Hindi baʼt naparito siya para hulihin sila at dalhin sa mga namamahalang pari?”
9:22
ASD
Lalo pang naging makapangyarihan ang pangangaral ni Saulo. At hindi makasagot sa kanya ang mga Hudyo sa Damasco nang patunayan niyang si Hesus ang Mesias.
9:23
ASD
Pagkalipas ng ilang araw, nagtipon ang mga Hudyo at nagplanong patayin si Saulo.
9:24
ASD
Araw-gabi nilang inaabangan si Saulo sa mga pintuan ng lungsod upang patayin. Ngunit may nakapagsabi kay Saulo tungkol sa plano nila.
9:25
ASD
Kaya isang gabi inilagay siya ng ibang mga alagad sa malaking tiklis at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.
9:26
ASD
Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga alagad ni Hesus, pero takot sila sa kanya. Hindi sila naniniwala na siyaʼy alagad na rin ni Hesus.
9:27
ASD
Ngunit isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni Bernabe sa kanila kung paano nakita ni Saulo ang Panginoong Hesus sa daan at kung ano ang sinabi ni Hesus sa kanya. At sinabi rin niya ang katapangan ni Saulo sa pangangaral tungkol kay Hesus doon sa Damasco.
9:28
ASD
Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon.
9:29
ASD
Nakipag-usap din siya at nakipagdebate sa mga Helenista, kaya pinagsikapan nilang patayin siya.
9:30
ASD
Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.
9:31
ASD
Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesya sa buong Judea, sa Galilea, at sa Samaria. Lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya at namuhay silang may takot sa Panginoon. Pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanilang loob, kaya lalo pa silang dumami.
9:32
ASD
Samantala, sa paglalakbay ni Pedro sa ibaʼt-ibang lugar para dalawin ang mga hinirang ng Diyos, dinalaw niya rin ang mga alagad na nasa Lida.
9:33
ASD
Nakilala niya roon si Eneas na isang lalaking paralisado at hindi makabangon sa kanyang higaan sa loob ng walong taon.
9:34
ASD
Sinabi ni Pedro sa kanya, “Eneas, pinagaling ka ni Hesu-Kristo. Kaya bumangon ka at iligpit ang iyong higaan.” Agad namang bumangon si Eneas.
9:35
ASD
Nakita ng lahat ng naninirahan sa Lida at sa Saron na gumaling na si Eneas, at sumampalataya rin sila sa Panginoon.
9:36
ASD
Sa lungsod naman ng Jopa ay may isang babaeng mananampalataya na ang pangalan ay Tabita (na sa Griyego ay Dorcas). Marami siyang nagawang mabuti lalong-lalo na sa mga dukha.
9:37
ASD
Nagkataon noon na nagkasakit siya at namatay. Nilinis nila ang kanyang bangkay at ibinurol sa isang kuwarto sa itaas.
9:38
ASD
Ang Jopa ay malapit lang sa Lida. Kaya nang mabalitaan ng mga alagad ni Hesus na si Pedro ay naroon sa Lida, inutusan nila ang dalawang tao na pakiusapan si Pedro na pumunta agad sa Jopa.
9:39
ASD
Agad namang sumáma si Pedro sa kanila. Pagdating nila sa Jopa, dinala siya sa kuwarto kung saan nakaburol ang patay. May mga biyuda roon na umiiyak. Ipinakita nila kay Pedro ang mga damit na tinahi ni Dorcas noong nabubuhay pa siya.
9:40
ASD
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kuwarto. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin. Humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya.
9:41
ASD
Hinawakan siya ni Pedro sa kamay at tinulungang tumayo. Pagkatapos, tinawag ni Pedro ang mga biyuda at ang iba pang mga hinirang ng Diyos doon, at ipinakita sa kanila si Tabita na buháy na.
9:42
ASD
Ang balitang itoʼy kumalat sa buong Jopa, at marami ang sumampalataya sa Panginoon.
9:43
ASD
Nanatili pa si Pedro nang mga ilang araw sa Jopa, sa bahay ni Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop.