Jób 21 v různých překladech
Ang Salita ng Diyos
21:1
21:2
ASD
“Pakinggan ninyo akong mabuti upang mapasaya rin ninyo ako.
21:3
ASD
Makinig kayo habang nagsasalita ako at kapag akoʼy tapos na, tuyain ninyo ako kung gusto ninyo.
21:4
ASD
“Ang hinaing koʼy hindi laban sa tao. Ito ang dahilan kung bakit maikli ang pasensya ko.
21:5
ASD
Tingnan ninyo ako at kayoʼy masisindak. Sa nakita ninyo sa akin makakapagsalita pa ba kayo?
21:6
ASD
Kung iisipin ko ito, akoʼy nangangatog; at nababalot ng takot ang buo kong katawan.
21:7
ASD
Bakit patuloy na nabubuhay ang mga masama? Tumatanda sila at nagiging maunlad.
21:8
ASD
Nakikita nila ang paglaki ng kanilang mga anak at apo.
21:9
ASD
Namumuhay sila sa kanilang tahanan na ligtas sa panganib at walang kinatatakutan. Hindi sila pinaparusahan ng Diyos.
21:10
ASD
Walang tigil ang panganganak ng kanilang mga baka at hindi ito nakukunan.
21:11
ASD
Marami silang anak, parang kawan ng tupa sa dami; at ang mga itoʼy nagsasayawan.
21:12
ASD
Silaʼy nag-aawitan, at nagkakatuwaan sa tugtog ng tamburin, alpa at plauta.
21:13
ASD
Namumuhay sila sa kasaganaan at payapang humihimlay sa libingan.
21:14
ASD
Ngunit sinasabi nila sa Diyos, ‘Pabayaan mo kami! Ayaw naming malaman ang iyong mga pamamaraan.
21:15
ASD
Sino kang Makapangyarihan na dapat naming paglingkuran? At ano ba ang mapapala namin kung mananalangin kami sa iyo?’
21:16
ASD
Subalit ang totoo, ang pag-unlad nilaʼy hindi galing sa sarili nilang pagsisikap. Kaya anuman ang ipapayo ng masasamang taong ito ay hindi ko tatanggapin.
21:17
ASD
“Subalit madalang ang taong masasamâ na namamatay. Bihirang dumating sa kanila ang kahirapan o parusang ipinapadala ng Diyos dahil sa kanyang galit.
21:18
ASD
Bihira nilang maranasan ang mapalayas tulad ng ipa na tinatangay ng malakas na hangin.
21:19
ASD
Sinasabi ninyong kapag hindi sila parurusahan ng Diyos, ang mga anak nila ang parurusahan. Ngunit sa ganang akin, ang nagkasala ang siyang dapat parusahan ng Diyos upang maunawaan nila ang kanyang hatol.
21:20
ASD
Nawaʼy makita nila ang kanilang kapahamakan. Matikman sana nila ang galit ng Diyos na Makapangyarihan.
21:21
ASD
Kapag patay na sila, hindi na nila malalaman ang mga nangyayari sa kanilang sambahayan.
21:22
ASD
“Matuturuan ba ng tao ang Diyos, na siya ngang pinakamataas na hukom?
21:23
ASD
May mga taong namamatay sa gitna ng kasaganaan at panatag na kalagayan;
21:24
ASD
malusog na pangangatawan masisigla at matitibay ang buto.
21:25
ASD
May mga tao ring namamatay sa kahirapan, at hindi nakaranas ng kahit kaunting kaginhawahan sa buhay.
21:26
ASD
Ngunit pareho rin silang ililibing sa lupa at kakainin ng mga uod.
21:27
ASD
“Alam ko kung ano ang nasa isip ninyo. Alam ko kung ano ang binabalak ninyo laban sa akin.
21:28
ASD
Sasabihin ninyo sa akin ang tungkol sa mga taong mayaman na nawasak ang tahanan dahil sa kanilang kasamaan.
21:29
ASD
Hindi ba kayo nakapagtanong sa mga naglalakbay? Hindi ba ninyo binigyang pansin ang kanilang mga salaysay?
21:30
ASD
Sabi nila, ang masamaʼy nakakatakas sa araw ng kapahamakan, at silaʼy nakakaligtas sa araw ng kaparusahan.
21:31
ASD
Walang sumasaway sa mga taong masasamâ. Walang gumaganti sa kanilang mga maling gawa.
21:32
ASD
At kapag namatay siya at inihatid sa huling hantungan, maraming tao ang nakikipaglibing.
21:33
ASD
Tinatanggap ng lupa ang kanyang katawan at binibigyan ito ng kapahingahan. Binabantayan pa ang kanyang libingan.
21:34
ASD
“Kaya paano ninyo ako maaaliw sa pamamagitan ng mga salita ninyong walang kabuluhan? Ang mga sinasabi ninyoʼy walang katotohanan!”