Numeri 14 v různých překladech

Vyberte překlady k porovnání

Vyberte překlad, aby se přidal do seznamu; sloupce jdou v pořadí seznamu.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Čeština

Русский

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Čeština

  • Slovo na cestu

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
14:1
ASD Nang gabing iyon, humagulgol ang lahat ng mamamayan.
14:2
ASD Nagreklamo ang mga Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang namatay na lang tayo sa Ehipto o dito sa disyerto.
14:3
ASD Bakit pa ba tayo dadalhin ng Panginoon sa lupaing iyon? Para lang ba mamatay tayo sa labanan at bihagin ang ating mga asawaʼt anak? Mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa Ehipto.”
14:4
ASD At nag-usap-usap sila, “Pumili tayo ng pinuno at bumalik sa Ehipto!”
14:5
ASD Pagkatapos, nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng lahat ng mamamayan ng Israel na nagkakatipon doon.
14:6
ASD Pinunit ni Josue na anak ni Nun at ni Caleb na anak ni Jefune ang kanilang mga damit dahil sa labis na kalungkutan. Ang dalawang ito ay kasama sa pag-espiya sa lupain.
14:7
ASD Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan.
14:8
ASD Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.
14:9
ASD Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”
14:10
ASD Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, ngunit biglang nagpakita sa lahat ng Israelita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa itaas ng Toldang Tipanan.
14:11
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila?
14:12
ASD Padadalhan ko sila ng salot at papatayin ko sila, ngunit gagawin kitang isang bansa na mas makapangyarihan at matatag kaysa sa kanila.”
14:13
ASD Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Ano na lang po ang sasabihin ng mga Ehipsiyo kung mababalitaan nila ito? Hindi baʼt nalalaman nila na kinuha ninyo ang mga Israelita sa kanila sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan?
14:14
ASD Kapag nilipol po ninyo ang inyong mamamayan, sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa Canaan. Narinig ng mga Cananeo na kayo, Panginoon ay sumasama sa mga Israelita, at nagpapakita sa kanila sa pamamagitan ng ulap na gumagabay sa kanila. Pinangungunahan nʼyo sila kapag gabi sa pamamagitan ng apoy na parang haligi, at kapag araw sa pamamagitan ng ulap na parang haligi rin.
14:15
ASD Ngayon, kapag pinaslang po ninyong lahat ang inyong mamamayan, sasabihin ng mga bansang nakarinig ng inyong katanyagan,
14:16
ASD ‘Hindi kayang dalhin ng Panginoon ang mga Israelita sa lupaing ipinangako niya sa kanila, kaya pinatay na lang niya sila sa disyerto.’
14:17
ASD “Kaya ngayon, O Panginoon, sana po ay ipakita ninyo ang inyong kapangyarihan ayon sa inyong sinabi na mapagmahal kayo
14:18
ASD at hindi madaling magalit, at mapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Subalit pinaparusahan po ninyo ang mga nagkakasala, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
14:19
ASD Ayon sa inyong dakilang pagmamahal, patawarin po ninyo ang mga kasalanan ng mga taong ito, gaya ng pagpapatawad ninyo sa kanila mula nang lumabas sila sa Ehipto.”
14:20
ASD Sumagot ang Panginoon, “Patatawarin ko sila ayon sa iyong hiling.
14:21
ASD Ngunit sumusumpa ako, ang Panginoong nabubuhay, habang napupuno ang buong mundo ng kaluwalhatian ko,
14:22
ASD walang sinuman sa mga taong nakakita sa kaluwalhatian ko at sa mga tanda na ginawa ko sa Ehipto at sa disyerto ngunit sinubukan pa rin ako nang sampung beses,
14:23
ASD wala ni isa sa kanila ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno. Walang sinuman sa kanila na humamak sa akin ang makakakita rito.
14:24
ASD Ngunit makakapasok si Caleb na aking lingkod sa lupaing kanyang pinuntahan, dahil naiiba siya sa kanila at sumusunod siya sa akin nang buong puso. Sasakupin at mamanahin ng kanyang mga angkan ang lupaing iyon.
14:25
ASD Dahil may mga Cananeo at mga Amalekitang naninirahan sa mga lambak, bumalik kayo bukas at magtungo sa disyerto, sa daang papunta sa Dagat na Pula.”
14:26
ASD Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
14:27
ASD “Hanggang kailan pa ba ang pagrereklamo sa akin ng masasamang mamamayang ito? Narinig ko ang mga reklamo ng mga Israelita.
14:28
ASD Kaya sabihin mo ito sa kanila: Ako, ang Panginoong buháy, ay sumusumpa na gagawin ko sa inyo ang inyong hinihiling.
14:29
ASD Mamamatay kayo rito sa disyerto. Dahil nagreklamo kayo sa akin, walang kahit isa sa inyo na may edad na dalawampung taóng gulang pataas
14:30
ASD ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko na ibibigay sa inyo na inyong titirhan, maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune at kay Josue na anak ni Nun.
14:31
ASD Tungkol naman sa inyong mga anak na sinabi ninyong bibihagin, dadalhin ko sila sa lupain na inyong itinakwil at magiging kanila ito.
14:32
ASD Ngunit mamamatay kayo sa disyerto.
14:33
ASD Ang inyong mga anak ay magiging tulad ng mga tagapagbantay ng tupa na palibot-libot sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. Sa pamamagitan nito, magdurusa sila dahil sa inyong pagtataksil sa akin hanggang sa mamatay kayong lahat.
14:34
ASD Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng apatnapung araw, magdurusa rin kayo ng apatnapung taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin.
14:35
ASD Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito at siguradong gagawin ko ang mga bagay na ito sa masasamang mamamayang ito na nagkaisang kumalaban sa akin. Mamamatay silang lahat sa disyerto.”
14:36
ASD Ang mga lalaking inutusan ni Moises na magmanman sa lupain ng Canaan, na bumalik at naging dahilan ng pagrereklamo ng sambayanang Israel dahil sa pagkakalat nila ng masamang balita,
14:37
ASD ay namatay sa harap ng Panginoon dahil sa salot.
14:38
ASD Sa labindalawang espiya, si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jefune lang ang hindi namatay.
14:39
ASD Nang sinabi ito ni Moises sa lahat ng mga Israelita, nagluksa sila.
14:40
ASD At kinabukasan, maaga silang bumangon para umakyat sa kabundukan ng Canaan. Sinabi nila, “Napagtanto naming nagkasala kami, at ngayoʼy handa na kaming pumunta sa lugar na ipinangako ng Panginoon.”
14:41
ASD Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na bumalik sa disyerto? Hindi kayo magtatagumpay!
14:42
ASD Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway.
14:43
ASD Sa oras na makipaglaban sa inyo ang mga Cananeo at mga Amalekita, mamamatay kayo; hindi sasáma ang Panginoon sa inyo dahil siyaʼy itinakwil ninyo.”
14:44
ASD Ngunit umakyat pa rin sila sa kabundukan ng Canaan kahit hindi sumáma sa kanila si Moises at ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
14:45
ASD Pagkatapos, sinalakay sila ng mga Amalekita at ng mga Cananeo na naninirahan doon sa kabundukan, at natalo sila, at hinabol pa sila hanggang sa Horma.