Přísloví 17 v různých překladech
Ang Salita ng Diyos
17:1
ASD
Ang kaunting pagkain na pinagsasaluhan nang may kapayapaan ay higit na mabuti kaysa sa saganang pagkain ngunit may alitan.
17:2
ASD
Pamumunuan ng maalam na lingkod ang nakakahiyang anak ng kanyang amo at sa kanilang mamanahin makakabahagi pa ito.
17:3
ASD
Sinusubok ng Panginoon ang puso katulad ng apoy na sumusubok sa pilak at ginto.
17:4
ASD
Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling.
17:5
ASD
Ang kumukutya sa mahihirap ay inaalipusta ang kanyang Manlilikha. Ang taong nagagalak sa kapahamakan ng iba ay parurusahan.
17:6
ASD
Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.
17:7
ASD
Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling.
17:8
ASD
Sa tingin ng iba ang suhol ay parang salamangka na magagawa ang kahit anumang bagay.
17:9
ASD
Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan.
17:10
ASD
Sa isang saway lang natututo ang taong may pang-unawa, ngunit ang taong mangmang ay hindi natututo hampasin mo man nang walang awa.
17:11
ASD
Laging naghahanap ng gulo ang taong masama, kaya ipapadala laban sa kanya ang isang taong malupit na magpaparusa sa kanya.
17:12
ASD
Mas mabuti pang masalubong mo ang isang osong inagawan ng anak kaysa sa hangal na gumagawa ng kahangalan.
17:13
ASD
Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo.
17:14
ASD
Ang simula ng away ay katulad ng butas sa isang dike, kailangang tapalan bago lumaki.
17:15
ASD
Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
17:16
ASD
Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto.
17:17
ASD
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkakaroon tayo ng kapatid para sa kagipitan ay tumulong.
17:18
ASD
Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan.
17:19
ASD
Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
17:20
ASD
Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay daranas ng kasawian.
17:21
ASD
Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang.
17:22
ASD
Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.
17:23
ASD
Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ipagkait ang makatarungang hatol.
17:24
ASD
Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan; ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
17:25
ASD
Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang.
17:26
ASD
Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal.
17:27
ASD
Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos.
17:28
ASD
Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.