Žalmy 68 v různých překladech
Ang Salita ng Diyos
68:0
ASD
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
68:1
ASD
Kumilos nawa ang Diyos, at ikalat ang kanyang mga kaaway. Magsitakas nawa palayo ang mga galit sa kanya.
68:2
ASD
Itaboy sana sila ng Diyos gaya ng usok na tinatangay ng hangin. Mamatay sana sa harapan niya ang mga masasamâ, gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.
68:3
ASD
Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.
68:4
ASD
Awitan ninyo ang Diyos, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan!
68:5
ASD
Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan ang siyang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
68:6
ASD
Ang mga nag-iisa sa buhay ay ihinahanap niya ng pamilyang kabibilangan. Ang mga bihag ay kanyang binibigyan ng kalayaan upang silaʼy magkaroon ng kagalakan. Ngunit ang mga taong ang uloʼy may katigasan, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
68:7
ASD
O Diyos, nang pangunahan ninyo sa ilang ang inyong mga mamamayan,
68:8
ASD
nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan sa inyong harapan, O Diyos ng Israel na nagpahayag sa Sinai.
68:9
ASD
Nagpadala kayo ng masaganang ulan at ang lupang tigang na ipinamana nʼyo sa inyong mga mamamayan ay naginhawahan.
68:10
ASD
Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loob ay binigyan nʼyo ang mga mahihirap ng kanilang mga pangangailangan.
68:11
ASD
Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe, at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan:
68:12
ASD
“Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo! Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babaeng nasa mga kabahayan.
68:13
ASD
Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayop ay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ng kalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilak at ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.”
68:14
ASD
Nang ikalat ng Diyos na Makapangyarihan ang mga haring iyon, pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon.
68:15
ASD
Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan; maraming taluktok ang bundok na ito.
68:16
ASD
Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Panginoon bilang maging tahanan niya magpakailanman?
68:17
ASD
Dumating ang Panginoong Diyos sa kanyang banal na lugar mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe.
68:18
ASD
Nang umakyat siya sa mataas na lugar, marami siyang dinalang bihag. Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao, pati na sa mga naghimagsik sa kanya. At doon maninirahan ang Panginoong Diyos.
68:19
ASD
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.
68:20
ASD
Ang ating Diyos ang siyang Diyos na nagliligtas! Siya ang Makapangyarihang Panginoon na nagliligtas sa atin sa kamatayan.
68:21
ASD
Tiyak na babasagin ng Diyos ang ulo ng kanyang mga kaaway na patuloy sa pagkakasala.
68:22
ASD
Sinabi ng Panginoon, “Pababalikin ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; pababalikin ko sila mula sa kailaliman ng dagat,
68:23
ASD
upang patayin sila at tapak-tapakan ninyo ang kanilang dugo at magsasawa ang inyong mga aso sa paghimod ng kanilang dugo.”
68:24
ASD
O Diyos na aking Hari, nakita ng lahat ang inyong parada ng tagumpay papunta sa inyong santuwaryo.
68:25
ASD
Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog; at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
68:26
ASD
Sumisigaw sila, “Purihin ang Diyos sa inyong mga pagtitipon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mula sa lahi ng Israel.”
68:27
ASD
Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin, kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi, at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Neftali.
68:28
ASD
O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan, katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
68:29
ASD
Dahil sa inyong Templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.
68:30
ASD
Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban. Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guya hanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo. Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.
68:31
ASD
Magpapasakop ang mga taga-Ehipto sa inyo. Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
68:32
ASD
Umawit kayo sa Diyos, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
68:33
ASD
na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula. Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.
68:34
ASD
Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Diyos na naghahari sa buong Israel. Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
68:35
ASD
Kahanga-hanga ang Diyos ng Israel habang siyaʼy lumalabas sa kanyang banal na tahanan. Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasan ang kanyang mga mamamayan. Purihin ang Diyos!