Žalmy 76 v různých překladech
Ang Salita ng Diyos
76:0
ASD
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.
76:1
ASD
Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda, at sa Israel ay dakila siya.
76:2
ASD
Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.
76:3
ASD
Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway, ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.
76:4
ASD
O Diyos, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.
76:5
ASD
Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam. Silang lahat ay namatay na; wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin.
76:6
ASD
O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw, ang mga kawal at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
76:7
ASD
Kaya dapat kayong katakutan. Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?
76:8
ASD
Mula sa langit ay humatol kayo. Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik
76:9
ASD
nang humatol kayo, O Diyos, upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
76:10
ASD
Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao ay magbibigay ng karangalan sa inyo, ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit.
76:11
ASD
Mangako kayo sa Panginoon na inyong Diyos at tuparin ito. Lahat kayong mga bansang nasa paligid, magdala kayo ng mga regalo sa Diyos na siyang karapat-dapat katakutan.
76:12
ASD
Ibinababa niya ang mapagmataas na mga pinuno; kinatatakutan siya ng mga hari rito sa mundo.