Zjevení 4 v různých překladech

Vyberte překlady k porovnání

Vyberte překlad, aby se přidal do seznamu; sloupce jdou v pořadí seznamu.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Čeština

Русский

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Ἀρχαία Ἑλληνική

Српски / Srpski

Hrvatski

Eesti

Svenska

Magyar

Slovenčina

Suomi

Norsk bokmål

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Български

Tiếng Việt

Bahasa Indonesia

ไทย

한국어

हिन्दी

English

  • JPS Tanakh
  • Targum Onkelos (Etheridge)

Deutsch

  • Byzantinischer Text
Ang Salita ng Diyos
4:1
ASD Pagkatapos nito, nakita kong nabuksan ang pinto sa langit. At narinig kong muli ang tinig na parang trumpeta. Sinabi niya, “Umakyat ka rito at ipapakita ko sa iyo ang mga mangyayari sa hinaharap.”
4:2
ASD At bigla akong napuspos ng Espiritu. Nakita ko doon sa langit ang isang trono na may nakaupo
4:3
ASD na kumikinang tulad ng mga mamahaling batong haspe at kornalina. At may bahagharing kumikinang katulad ng esmeralda na nakapalibot sa trono.
4:4
ASD Sa palibot ng trono ay may dalawampuʼt apat pang trono kung saan nakaupo ang dalawampuʼt apat na pinuno na nakaputi at may mga koronang ginto.
4:5
ASD Mula sa tronoʼy may mga kislap ng kidlat at ugong ng kulog. Sa harap naman nito ay may pitong lamparang nagniningas na sumasagisag sa pitong Espiritu ng Diyos.
4:6
ASD Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod.
4:7
ASD Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya, ang pangatlo ay may mukhang gaya ng tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad.
4:8
ASD Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.”
4:9
ASD Sa tuwing nagbibigay ang apat na buháy na nilalang ng parangal, papuri at pasasalamat sa nakaupo sa trono at nabubuhay magpakailanman,
4:10
ASD pumapatirapa naman ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harapan ng nakaupo sa trono at sinasamba nila siya na nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, at sinasabi,
4:11
ASD “Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Diyos na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, sapagkat kayo ang lumikha ng lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”