PsaPs Mga SalmoPsalmen, salmoPsalm Mga SalmoDas Buch der Psalmen, salmoPsalm 32

Übersetzungen

Awit na isinulat ni David. Isa itong maskil.32:0 Pamagat. maskil: Maaaring tumutukoy ito sa isang uri ng awit o tono ng awit.

Mapalad ang isang tao

na ang mga pagsuway

at mga kasalanan ay pinatawad

at kinalimutan na ng Panginoon.Rom 4:7

Mapalad ang tao na ang kasalanan

ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,

at walang pandaraya sa kanyang puso.2Co 5:19

Noong hindi ko pa ipinagtatapat

ang aking mga kasalanan,

buong araw akoʼy nanlulumo

at nanghihina ang aking katawan.

Araw-gabi, hirap na hirap ako

dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.

Nawalan na ako ng lakas,

tulad ng natuyong tubig

sa panahon ng tag-araw.Psa 38:4

Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko

ang aking mga kasalanan sa inyo;

hindi ko na ito itinago pa.

Sinabi ko nga sa sarili ko,

“Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.”

At pinatawad nʼyo ako.Pro 28:13; 1Jn 1:9

Kaya ang lahat ng matapat

ay manalangin sana sa inyo,

habang may panahon pa.

Kung dumating man ang kapighatian

na parang baha,

hindi sila mapapahamak.Isa 55:6

Kayo ang aking kublihan;

iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,

at pinalilibutan nʼyo ako

ng mga awit ng kaligtasan.Psa 9:9

Sinabi ng Panginoon sa akin,

“Ituturo ko sa iyo ang daan

na dapat mong lakaran.

Papayuhan kita habang binabantayan.Psa 25:12; Pro 4:11; Deu 11:12

Huwag kang tumulad sa kabayo o mola

na walang pang-unawa,

na kailangan pang rendahan

upang mapasunod.”Pro 26:3

Maraming hirap ang mararanasan

ng taong masama,

ngunit mamahalin ng Panginoon

ang sa kanya ay nagtitiwala.Isa 57:20

Kayong mga matuwid, magalak kayo

at magsaya sa Panginoon.

Kayong mga namumuhay ng tama,

sumigaw kayo sa galak!