PsaPs Mga SalmoPsalmen, salmoPsalm Mga SalmoDas Buch der Psalmen, salmoPsalm 37

Übersetzungen

Awit na isinulat ni David.

Huwag kang mabahala

dahil sa mga gumagawa ng masasama,

o mainggit sa mga gumagawa ng mali.Pro 23:17; Pro 24:1

Dahil tulad ng damo,

silaʼy madaling matutuyo,

at tulad ng sariwang halaman,

silaʼy malalanta.Psa 129:6; Isa 37:27

Magtiwala ka sa Panginoon

at gumawa ng mabuti.

Sa gayon ay mananahan ka

nang ligtas sa lupaing ito.

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,

at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Ipagkatiwala mo sa Panginoon

ang lahat ng iyong ginagawa;

magtiwala ka sa kanya

at tutulungan ka niya.Psa 55:22

Ihahayag niya nang malinaw

na ikaw ay matuwid at makatarungan,

kasinliwanag ng sinag ng araw

sa katanghaliang tapat.Isa 58:8

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,

at matiyagang maghintay sa gagawin niya.

Huwag mong kaiinggitan ang masasama

na gumiginhawa,

kahit pa magtagumpay

ang masasamang plano nila.

Huwag kang magagalit,

pigilan mo ang iyong poot.

Ni huwag kang mababalisa,

dahil ito sa iyo ay makakasama.Eph 4:26

Ang masama ay ipagtatabuyan,

ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon

ay mananatili sa lupaing ito.Isa 34:17

Hindi magtatagal at mawawala ang masasama.

At kahit hanapin mo man sila

ay hindi mo na makikita.

Ngunit ang mga mapagpakumbaba

ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel

nang mapayapa at masagana.Mat 5:5

Ang mga masama ay nagpaplano

ng hindi mabuti laban sa mga matuwid,

at galit na galit sila.

Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon

ang mga masama,

dahil alam niyang malapit na

ang oras ng paghahatol.

Binunot na ng masasama

ang kanilang mga espada,

at nakaumang na ang kanilang mga pana

upang patayin ang mga dukha

na namumuhay nang matuwid.

Ngunit sila rin ang masasaksak

ng kanilang sariling espada

at mababali ang kanilang mga pana.

Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid

ay mas mabuti

kaysa sa kayamanan ng masama.Mrk 8:8

Dahil tutulungan ng Panginoon

ang matuwid,

ngunit mawawalan ng kakayahan

ang taong masama.Jer 48:25

Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon

ang mga taong matuwid.

At tatanggap sila ng gantimpalang

pangwalang hanggan.

Sa panahon ng kahirapan

hindi sila malalagay sa kahihiyan.

Kahit na taggutom,

magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.Job 5:20; Psa 33:19

Ngunit ang mga taong masama

ay mamamatay.

Ang mga kaaway ng Panginoon

ay tulad ng bulaklak sa parang,

Silaʼy maglalaho na gaya ng usok.Psa 68:2

Ang taong masama ay nangungutang

pero hindi nagbabayad,

ngunit ang taong matuwid

ay naaawa at nagbibigay ng sagana.

Ang mga pinagpapala ng Panginoon

ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel.

Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.Psa 25:13; Pro 2:21

Ginagabayan ng Panginoon

ang bawat hakbang ng taong matuwid

na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.

Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal,

dahil hinahawakan siya ng Panginoon.Psa 145:14; Pro 24:16

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,

ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan

na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon

o ang kanyang mga anak

ay namalimos ng pagkain.

Ang matuwid ay palaging nagbibigay

at nagpapahiram,

at ang kanilang mga anak

ay nagiging pagpapala sa iba.Psa 112:5

Iwasan ang masama at gawin ang mabuti;

nang sa gayon ay manahan ka

sa lupain magpakailanman.Psa 34:14; Isa 1:16

Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan,

at ang mga taong tapat sa kanya

ay hindi niya pinapabayaan.

Silaʼy iingatan niya magpakailanman.

Ngunit ang lahi ng mga taong masama

ay mawawala.1Ki 8:57

Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman

sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.Mat 5:5

Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.Pro 10:31; Mat 12:35

Ang Kautusan ng Diyos

ay iniingatan niya sa kanyang puso,

at hindi niya ito sinusuway.Isa 51:7

Ang mga taong masamaʼy laging nagbabantay

para salakayin at patayin

ang taong may matuwid na pamumuhay.Psa 12:8; Mrk 3:2

Ngunit hindi pababayaan ng Panginoon

ang taong matuwid

sa kamay ng kanyang mga kaaway,

o parurusahan man kapag siyaʼy hinatulan.

Magtiwala ka sa Panginoon

at sundin mo ang kanyang pamamaraan.

Pararangalan ka niya

sa pamamagitan ng pagpapatira saʼyo

sa lupain ng Israel,

at masasaksihan mo ang pagpaparusa niya

sa mga taong masama.

Nakita ko ang masamang tao

na nang-aapi.

Gusto niyang kilalanin siyang mataas kaysa sa iba,

katulad ng mataas na punongkahoy ng Lebanon.Psa 73:6; Ezk 31:3

Nang siyaʼy aking balikan,

siyaʼy wala na;

hinanap ko siya ngunit hindi ko na nakita

dahil siyaʼy patay na.Job 4:20; Job 5:3; Job 20:7

Tingnan mo ang taong totoo at matuwid.

May magandang kinabukasan

at tahimik na pamumuhay.Gen 39:8; Luk 16:25; Rom 2:10

Ngunit lilipulin ang lahat ng mapaghimagsik,

at ang kinabukasan nila ay mawawala.

Ang kaligtasan ng mga matuwid

ay mula sa Panginoon.

Siya ang tanggulan nila

sa panahon ng kaguluhan.Est 8:16; Psa 46:1

Tinutulungan sila ng Panginoon

at inililigtas sa mga taong masama,

dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.Dan 6:23