Daniel 2 in verschiedenen Übersetzungen

Übersetzungen zum Vergleich auswählen

Übersetzung auswählen, um sie zur Liste hinzuzufügen; die Spalten folgen der Reihenfolge der Liste.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Deutsch

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu
  • Šarićev prijevod

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Canisiusvertaling
  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
2:1
ASD Noong pangalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip na bumabagabag sa kanya, kaya hindi siya makatulog.
2:2
ASD Ipinatawag ng hari ang kanyang mga salamangkero, engkantador, mangkukulam, at mga astrologo upang ipaliwanag nila ang kanyang mga panaginip.
2:3
ASD Sinabi ng hari sa kanila, “Nanaginip ako at binabagabag ako nito, kaya ipinatawag ko kayo dahil gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip na iyon.”
2:4
ASD Sumagot ang mga astrologo sa hari sa wikang Arameo, “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin na inyong mga lingkod ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”
2:5
ASD Sinabi ng hari sa mga taga-Caldeo, “Ito ang aking napagpasyahan: Kung hindi ninyo mahulaan ang aking panaginip at ang kahulugan nito, pagpuputol-putulin ko ang katawan ninyo at ipapawasak ang inyong mga bahay.
2:6
ASD Kung mahuhulaan ninyo ang aking panaginip at maipaliwanag ang kahulugan nito, gagantimpalaan ko kayo at bibigyan pa ng malaking karangalan. Sige, hulaan na ninyo at ipaliwanag ang kahulugan nito.”
2:7
ASD Muli silang sumagot sa hari, “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”
2:8
ASD Sinabi ng hari, “Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil alam ninyong gagawin ko ang sinabi ko sa inyo,
2:9
ASD na kung hindi ninyo mahulaan at maipaliwanag ang aking panaginip, paparusahan ko kayo katulad ng sinabi ko. Nagkasundo kayong magsinungaling sa akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Hulaan na ninyo kung ano ang aking panaginip upang maniwala ako na marunong talaga kayong magpaliwanag ng kahulugan nito.”
2:10
ASD Sumagot ang mga taga-Caldeo sa hari, “Walang tao sa buong mundo ang makagagawa ng iniuutos ninyo. Wala pang hari ang nag-utos ng ganyan sa kanyang mga engkantador, mangkukulam, o mga astrologo.
2:11
ASD Napakahirap ng inyong hinihingi, Mahal na Hari. Ang mga diyos lang ang makakagawa niyan, pero hindi sila naninirahan kasama ng mga tao.”
2:12
ASD Dahil sa sagot nilang ito, galit na galit ang hari. At nag-utos siyang patayin ang lahat ng marurunong na mga tao sa Babilonia.
2:13
ASD Nang inilabas na ang utos ng hari na patayin ang mga marurunong, hinanap si Daniel at ang kanyang mga kasama upang patayin din.
2:14
ASD Kaya nakipag-usap si Daniel kay Arioc na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari na siyang inutusan na patayin ang mga marurunong sa Babilonia.
2:15
ASD Maingat na nagtanong si Daniel sa kanya kung ano ang dahilan ng napakabigat na utos ng hari. Kaya sinabi sa kanya ni Arioc ang nangyari.
2:16
ASD Pagkatapos, pumunta si Daniel sa hari at hiniling niya na bigyan siya ng panahong maipaliwanag ang kahulugan ng panaginip nito.
2:17
ASD Pumayag naman ang hari, kaya umuwi si Daniel at ibinalita sa kanyang mga kasamahang sina Hananias, Misael at Azarias ang tungkol sa nangyari.
2:18
ASD Hiniling niya sa mga ito na manalangin upang kaawaan sila ng Diyos sa langit at upang malaman nila ang kahulugan ng panaginip ng hari, upang si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay hindi patayin kasama ng iba pang marurunong na tao sa Babilonia.
2:19
ASD Nang gabing iyon, ipinahayag ng Diyos kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos sa langit.
2:20
ASD Sinabi niya, “Purihin ang Diyos magpakailanman. Siya ay matalino at makapangyarihan.
2:21
ASD Siya ang nagbabago ng panahon. Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nag-aalis sa kanila sa trono. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa marurunong.
2:22
ASD Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin. Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.
2:23
ASD O Diyos ng aking mga ninuno, pinupuri ko kayo at pinapasalamatan. Kayo ang nagbigay sa akin ng karunungan at kakayahan. At ibinigay nʼyo sa amin ang aming kahilingan sa inyo na ipahayag sa amin ang panaginip ng hari.”
2:24
ASD Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc na inutusan ng hari upang patayin ang mga marurunong na tao sa Babilonia. Sinabi ni Daniel sa kanya, “Huwag mo muna silang patayin; dalhin mo muna ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip.”
2:25
ASD Kaya dali-daling dinala ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi ni Arioc, “Mahal na Hari, may nahanap po akong bihag mula sa Juda na makapagpapaliwanag ng inyong panaginip.”
2:26
ASD Tinanong ng hari si Daniel na tinatawag ding Beltesazar, “Talaga bang mahuhulaan mo ang aking panaginip at maipapaliwanag ang kahulugan nito?”
2:27
ASD Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, wala pong sinumang marunong katulad ng mga mangkukulam, engkantador, o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip.
2:28
ASD Ngunit may Diyos sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa Haring Nebucadnezar sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.
2:29
ASD “Habang natutulog po kayo, Mahal na Hari, nanaginip kayo tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na tagapagpahayag ng mga mahiwagang bagay.
2:30
ASD At inihayag sa akin ng Diyos ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi upang maipaliwanag ko sa inyo, Mahal na Hari, at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan.
2:31
ASD “May nakita ang Mahal na Hari na isang napakalaking rebulto na nakakasilaw. Nakatayo sa inyong harapan ang rebulto at nakakatakot tingnan.
2:32
ASD Yari sa purong ginto ang ulo nito, pilak naman ang mga bisig at dibdib, tanso ang tiyan at hita.
2:33
ASD Yari sa bakal ang kanyang mga binti at ang kanyang mga paa naman ay yari sa bakal at luwad.
2:34
ASD At habang tinitingnan nʼyo po ang rebulto, may batong natipak na hindi kagagawan ng tao. Tumama ito sa mga paa nitong yari sa bakal at luwad, at nawasak ang kanyang mga paa.
2:35
ASD Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Ngunit ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok na pumuno sa buong mundo.
2:36
ASD “Iyan po ang panaginip nʼyo, at ngayon ipapaliwanag namin sa hari ang kahulugan nito.
2:37
ASD Mahal na Hari, kayo ang hari ng mga hari. Ginawa kayong hari ng Diyos sa langit at binigyan ng kaharian, kapangyarihan, kalakasan, at karangalan.
2:38
ASD Ibinigay niya sa inyong kamay ang mga tao, mga hayop at mga ibon sa lahat ng dako. Kayo ang gintong ulo ng imahen.
2:39
ASD “Ang susunod sa inyong kaharian ay mas mahina kaysa sa inyo. Pagkatapos, ang ikatlong kaharian ay ang tansong bahagi ng rebulto, at ang kahariang ito ay maghahari sa buong mundo.
2:40
ASD At ang ikaapat na kaharian ay kasintatag ng bakal. Kung paanong ang bakal ay dumudurog sa lahat, ang kahariang ito ang dudurog sa mga naunang kaharian.
2:41
ASD Ang mga paa na yari sa bakal at luwad na nakita mo ay nangangahulugan na ang kahariang ito ay mahahati. Ngunit mananatili itong malakas, dahil nakita mo na may halong bakal ang luwad.
2:42
ASD Dahil ang mga daliri ng paa ay yari sa bakal at luwad, itoʼy nangangahulugan na ang kahariang ito ay may bahaging matibay at may bahaging mahina.
2:43
ASD Kung paanong nakita mo na pinaghalo ang bakal at luwad, ganoon ding paghahaluin ang mga lahi sa pamamagitan ng pag-aasawa. Ngunit hindi sila magkakaisa, katulad ng bakal at luwad na hindi maaaring paghaluin.
2:44
ASD “Sa panahon ng mga haring ito, ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi babagsak kailanman. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman.
2:45
ASD Katulad ito ng iyong nakitang tipak na bato mula sa bundok na hindi kagagawan ng tao na dumurog sa rebultong yari sa bakal, tanso, luwad, pilak at ginto. “Mahal na Hari, ipinahayag po sa inyo ng Diyos na Makapangyarihan kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Iyon ang panaginip nʼyo at ang kahulugan nito. Totoo po ang lahat ng sinabi ko.”
2:46
ASD Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang maghandog at magsunog ng insenso kay Daniel.
2:47
ASD Sinabi niya kay Daniel, “Dahil sa ipinahayag mo ang panaginip ko at ang kahulugan nito, totoo na ang iyong Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari. At siya lamang ang nakakapagpahayag ng mga hiwaga.”
2:48
ASD Pagkatapos, binigyan ng hari si Daniel ng maraming magagandang regalo. Ginawa siyang tagapamahala ng buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng marurunong doon.
2:49
ASD Hiniling ni Daniel sa hari na italaga sina Shadrac, Meshac, at Abednego bilang katulong niya sa pamamahala ng lalawigan ng Babilonia. Pumayag naman ang hari. At namalagi si Daniel sa palasyo ng hari.