Epheser 4 in verschiedenen Übersetzungen

Übersetzungen zum Vergleich auswählen

Übersetzung auswählen, um sie zur Liste hinzuzufügen; die Spalten folgen der Reihenfolge der Liste.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Deutsch

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Ἀρχαία Ἑλληνική

Српски / Srpski

Hrvatski

Eesti

Svenska

Magyar

Slovenčina

Suomi

Norsk bokmål

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Български

Tiếng Việt

Bahasa Indonesia

ไทย

한국어

हिन्दी

Deutsch

  • Byzantinischer Text

English

  • JPS Tanakh
  • Targum Onkelos (Etheridge)
Ang Salita ng Diyos
4:1
ASD Kaya bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Diyos.
4:2
ASD Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.
4:3
ASD Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa ninyo mula sa Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.
4:4
ASD Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos;
4:5
ASD iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang bautismo.
4:6
ASD Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.
4:7
ASD Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo.
4:8
ASD Tulad ng sinasabi sa Kasulatan: “Nang umakyat siya sa langit, marami siyang dinalang bihag at binigyan niya ng mga kaloob ang mga tao.”
4:9
ASD (Ngayon, ano ang kahulugan ng, “Umakyat siya sa langit”? Ang ibig sabihin nito ay bumaba muna siya rito sa lupa.
4:10
ASD At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.)
4:11
ASD Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro.
4:12
ASD Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga hinirang, at sa gayoʼy lumago at maging matatag tayo bilang katawan ni Kristo.
4:13
ASD Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at ganap na lalago sa espirituwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Kristo.
4:14
ASD At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian.
4:15
ASD Sa halip, ipapahayag natin ang katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay higit tayong maging katulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya.
4:16
ASD Sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan ay nagkakaugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagkakaisa sa kanilang pagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin, ang buong katawan ay lalago at lalakas sa kanilang pagmamahalan.
4:17
ASD Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Walang kabuluhan ang iniisip nila,
4:18
ASD dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espirituwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso.
4:19
ASD Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan.
4:20
ASD Ngunit hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Kristo.
4:21
ASD Kung totoo ngang narinig na ninyo ang tungkol sa kanya at natutunan ang katotohanang nakay Hesus,
4:22
ASD iwanan na ninyo ang dati ninyong pagkatao at pamumuhay. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo.
4:23
ASD Baguhin na ninyo ang inyong pag-iisip at pag-uugali,
4:24
ASD at isuot ang bago ninyong pagkatao na nilikhang naaayon sa matuwid at banal na Diyos.
4:25
ASD Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Kristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.
4:26
ASD Kung magalit man kayo, “huwag kayong magkasala”. At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo.
4:27
ASD Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.
4:28
ASD Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.
4:29
ASD Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.
4:30
ASD At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Diyos, at siya ang katiyakan ng kaligtasan ninyo pagdating ng araw.
4:31
ASD Alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin.
4:32
ASD Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.