Hesekiel 1 in verschiedenen Übersetzungen
Ang Salita ng Diyos
1:1
ASD
Sa ikalimang araw ng ikaapat na buwan noong ikatatlumpung taon, habang kasama ako ng mga bihag sa Ilog Kebar, bumukas ang langit at nakita ko ang mga pangitain mula sa Diyos.
1:2
ASD
Sa ikalimang buwan, noong ikalimang taon ng pagkabihag ni Haring Jehoyakin,
1:3
ASD
nagpahayag ang Panginoon kay Ezekiel, isang pari at anak ni Buzi, sa may pampang ng Ilog Kebar sa lupain ng mga taga-Babilonia. Doon, naramdaman niya ang kapangyarihan ng Panginoon.
1:4
ASD
Habang nakatingin ako, may nakita akong bagyong paparating mula sa hilaga. Dala nito ang isang makapal na ulap na may apoy na kumikidlat kaya nagliliwanag ang paligid. Parang nagbabagang metal ang gitna ng apoy.
1:5
ASD
Sa gitna ng apoy, may apat na buháy na nilalang at anyong tao sila,
1:6
ASD
pero bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak.
1:7
ASD
Tuwid ang kanilang mga binti at ang kanilang mga paaʼy parang paa ng baka, at kumikinang na parang tansong pinakintab.
1:8
ASD
May mga kamay silang katulad ng kamay ng tao na nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. At silang apat ay may mga mukha at pakpak.
1:9
ASD
Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Kapag gumagalaw sila, hindi sila lumilingon ngunit dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman.
1:10
ASD
Ang bawat isa ay may mukha ng tao sa harap; sa kanan ay may mukha ng leon; sa kaliwa ay may mukha ng toro at sa likod ay may mukha ng agila.
1:11
ASD
Ang dalawa sa mga pakpak nila ay nakabuka pataas at magkadikit ang mga dulo, at ang dalawa pa nilang pakpak ay nakatakip sa kanilang katawan.
1:12
ASD
Dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman. At kung saan sila dinadala ng Espiritu, doon sila pumupunta.
1:13
ASD
Parang nagniningas na baga o mga sulo ang itsura ng mga nilalang na ito. Sa pagitan nilaʼy may apoy na nagliliwanag at mula rin ditoʼy may kidlat na lumalabas
1:14
ASD
Ang mga buháy na nilalang na itoʼy nagpaparooʼt parito na kasimbilis ng kidlat.
1:15
ASD
Habang nakatingin ako sa apat na buháy na nilalang, nakita kong ang bawat isa sa kanila ay may gulong sa ilalim. Ang apat na gulong ay nakasayad sa lupa.
1:16
ASD
Ganito ang anyo ng mga gulong: Kumikislap ang mga ito na parang mamahaling bato at magkakapareho ang kanilang anyo. Ang bawat gulong ay may isa pang gulong sa loob na nakakrus.
1:17
ASD
Kaya nakakapunta ang mga gulong na ito at ang mga buháy na nilalang kahit saang direksyon nang hindi na kailangang bumaling pa.
1:18
ASD
Ang gilid ng mga gulong ay malapad at nakakatakot dahil puno ng mga mata.
1:19
ASD
Kasama ng apat na buháy na nilalang ang mga gulong kahit saan sila pumunta, at kapag umaangat sila, umaangat din ang mga gulong.
1:20
ASD
Ang espiritu ng apat na buháy na nilalang ay nasa gulong. Kaya saan man pumunta ang espiritu, doon din pumupunta ang apat na buháy na nilalang at ang mga gulong.
1:21
ASD
Kapag lumakad ang mga buháy na nilalang, kasama rin ang mga gulong. Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga ito. At kapag lumipad sila, lumilipad din ang mga gulong dahil ang espiritu nila ay nasa gulong.
1:22
ASD
Sa itaas ng ulo ng mga buháy na nilalang ay may nakatabon na tila kristal na nakakasilaw at kahanga-hangang tingnan.
1:23
ASD
Sa ilalim nito, ang dalawang pakpak ng bawat buháy na nilalang ay nakatuwid, at nagpapang-abot ang dulo ng mga pakpak ng bawat isa. Ang dalawang pakpak naman nila ay tumatakip sa kanilang katawan.
1:24
ASD
Kapag lumipad sila, ang pagaspas ng mga pakpak nila ay parang ugong ng rumaragasang tubig o kayaʼy parang tinig ng Diyos na Makapangyarihan o ingay ng napakaraming hukbo. At kapag tumigil sila, ibinababa nila ang kanilang pakpak.
1:25
ASD
Habang nakababa ang kanilang mga pakpak, may tinig na nagmumula sa itaas nila.
1:26
ASD
Sa ibabaw nila ay may tila tronong gawa sa mga batong safiro at may parang tao sa tronong iyon.
1:27
ASD
Mula baywang pataas para siyang nagniningning na metal, at mula sa kanyang baywang pababa para siyang apoy na nagliliyab at napapalibutan ng nakakasilaw na liwanag.
1:28
ASD
Ang liwanag na iyon sa paligid niya ay parang bahaghari pagkatapos ng ulan. Ganoon ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. At nang makita ko iyon, lumuhod ako at narinig kong may tinig na nagsasalita sa akin.