Jesaja 9:2–21 in verschiedenen Übersetzungen

Übersetzungen zum Vergleich auswählen

Übersetzung auswählen, um sie zur Liste hinzuzufügen; die Spalten folgen der Reihenfolge der Liste.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Deutsch

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
9:2
ASD Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. Kahit silaʼy nababalot ng matinding kadiliman, sila ay maliliwanagan.
9:3
ASD Panginoon, pinalawak ninyo ang kanilang bansa at silaʼy nag-uumapaw sa tuwa. Nagagalak sila sa inyong harapan katulad ng mga taong nagagalak sa panahon ng anihan, katulad ng mga mandirigmang nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam.
9:4
ASD Binali ninyo ang pamatok na naging pabigat, ang tungkod sa kanilang balikat, ang pamalo ng kanilang mang-aapi katulad noong nalupig ang Midian.
9:5
ASD Ang mga bota ng mga sundalo at ang mga uniporme nilang tigmak ng dugo ay susunugin bilang panggatong sa apoy.
9:6
ASD Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Diyos na Makapangyarihan, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”
9:7
ASD Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoon ng mga Hukbo na matutupad ito.
9:8
ASD Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang Israel, ang lahi ni Jacob.
9:9
ASD At alam ito ng lahat ng tao sa Efraim, pati ng mga nasa Samaria na kabisera nito. Ngunit nagmamataas pa rin sila at payabang na sinasabi,
9:10
ASD “Mawasak man ang mga itinayo naming bahay na yari sa brik at kahoy na sikomoro, papalitan naman namin ito ng bato at kahoy na sedro.”
9:11
ASD Ngunit palalakasin ng Panginoon ang mga kaaway ni Rezin laban sa kanila, at uudyukan ang lahat ng mga kalaban niya.
9:12
ASD Sasakmalin ng mga taga-Aram ang Israel sa gawing silangan at mga Filisteo sa gawing kanluran. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa rin siyang magparusa sa kanila.
9:13
ASD Ngunit ayaw pa ring magbalik-loob ng mga Israelita kahit na silaʼy naparusahan, at ayaw din nilang hanapin ang Panginoon ng mga Hukbo.
9:14
ASD Kaya puputulin ng Panginoon ang buntot at ulo ng Israel, ang sanga ng maharlikang palma at ang hamak na tambo sa isang araw lamang.
9:15
ASD Ang ulo ay ang mga pinuno at ang mga iginagalang na tao, at ang buntot ay ang mga sinungaling na propeta.
9:16
ASD Ang mga namumuno sa mga taong ito ang nagliligaw sa kanila, kaya ang mga sumusunod ay naliligaw ng daan.
9:17
ASD Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon sa mga kabataan nilang lalaki, at hindi niya kinakaawaan ang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda. Sapagkat masama ang lahat at hindi makadiyos; nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila. Kaya hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.
9:18
ASD Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab itong tulad ng apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang.
9:19
ASD Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.
9:20
ASD Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, ngunit hindi pa rin sila mabubusog. Kaya pati ang kanilang mga anak ay kanilang kakainin.
9:21
ASD Mag-aaway ang mga taga-Manases at ang mga taga-Efraim, at lulusubin nilang dalawa ang Juda. Subalit ang poot ng Panginoon ay hindi pa rin humuhupa at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.