Klagelieder 5 in verschiedenen Übersetzungen
Ang Salita ng Diyos
5:1
ASD
Panginoon, alalahanin po ninyo ang nangyari sa amin. Masdan nʼyo ang aming dinanas na kahihiyan.
5:2
ASD
Kinuha ng mga dayuhan ang aming mga lupaʼt bahay.
5:3
ASD
Naulila kami sa ama, kaya nabiyuda ang aming mga ina.
5:4
ASD
Kinakailangang bayaran namin ng pilak ang tubig na aming iniinom at ang kahoy na aming panggatong.
5:5
ASD
Pinagtatrabaho kaming parang mga hayop at hindi man lang pinagpapahinga.
5:6
ASD
Nagpasakop kami sa mga taga-Ehipto at Asiria para magkaroon ng pagkain.
5:7
ASD
Ang aming mga ninunoʼy nagkasala, ngunit silaʼy pumanaw na at kami ang nagdurusa ng parusang dapat ay para sa kanila.
5:8
ASD
Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
5:9
ASD
Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sapagkat laganap ang karahasan sa mga ilang.
5:10
ASD
Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom, at ang aming katawan ay kasing-init ng pugon.
5:11
ASD
Pinagsamantalahan ang aming mga asawa sa Jerusalem at ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng Juda.
5:12
ASD
Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda.
5:13
ASD
Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilingan at ang mga batang lalaki ay susuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy.
5:14
ASD
Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod upang magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika.
5:15
ASD
Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, kamiʼy nagdadalamhati.
5:16
ASD
Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala.
5:17
ASD
Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin.
5:18
ASD
Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.
5:19
ASD
O Panginoon, maghahari kayo magpakailanman. Ang inyong paghahari ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi.
5:20
ASD
Bakit palagi nʼyo kaming kinakalimutan? Bakit kay tagal nʼyo kaming pinabayaan?
5:21
ASD
Ibalik nʼyo kami sa inyo, Panginoon, at kami ay magbabalik katulad noong una. Ibalik nʼyo kami sa dati naming kalagayan.
5:22
ASD
Talaga bang sobra na ang galit ninyo sa amin kaya itinakwil nʼyo na kami?