4. Mose 8 in verschiedenen Übersetzungen

Übersetzungen zum Vergleich auswählen

Übersetzung auswählen, um sie zur Liste hinzuzufügen; die Spalten folgen der Reihenfolge der Liste.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Deutsch

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
8:1
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
8:2
ASD “Sabihin mo kay Aaron na kung ilalagay na niya ang pitong ilaw, kailangang maliwanagan ng ilaw ang lugar sa harapan ng pinaglagyan nito.”
8:3
ASD Kaya ginawa ito ni Aaron; inilagay niya ang mga ilaw kung saan ang sinag ng mga ito ay nagliliwanag sa harapan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
8:4
ASD Ang buong lalagyan ng ilaw, mula sa ilalim hanggang sa itaas ay gawa sa pinitpit na ginto ayon sa disenyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises.
8:5
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
8:6
ASD “Ibukod ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at linisin sila.
8:7
ASD Ganito ang gagawin mong paglilinis sa kanila: Wisikan mo sila ng tubig na ginagamit sa paglilinis, paahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang mga damit. Pagkatapos nito ay ituturing na silang malinis.
8:8
ASD Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng batang toro at ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog para sa kasalanan nila sa Panginoon. Pagdalhin mo rin sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.
8:9
ASD “Pagkatapos, tipunin mo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel at italaga ang mga Levita sa harap ng Toldang Tipanan.
8:10
ASD Dalhin mo ang mga Levita sa harapan ng Panginoon at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito.
8:11
ASD Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa harapan ng Panginoon bilang handog na itinataas mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa Panginoon.
8:12
ASD “Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa Panginoon. Ang isa ay bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.
8:13
ASD At patatayuin sila sa harapan ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki, at itatalaga sila bilang espesyal na handog sa Panginoon.
8:14
ASD Sa pamamagitan nito, ibubukod mo ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at magiging akin sila.
8:15
ASD “Pagkatapos na malinisan mo ang mga Levita at maitalaga sila sa akin bilang espesyal na handog, makapaglilingkod na sila sa Toldang Tipanan.
8:16
ASD Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita.
8:17
ASD Dahil ang bawat panganay sa Israel, tao man o hayop, ay akin. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
8:18
ASD At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
8:19
ASD Sa lahat ng mga Israelita, ang mga Levita ang pinili ko na tumulong kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Maglilingkod sila sa Toldang Tipanan para sa mga Israelita, at gagawin nila ang mga seremonya para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga Israelita, para walang panganib na dumating sa kanila kapag lumapit sila sa Toldang Tipanan.”
8:20
ASD Kaya itinalaga nila Moises, Aaron at ng lahat ng mga mamamayan ng Israel ang mga Levita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
8:21
ASD Naglinis ang mga Levita ng kanilang sarili at nilabhan nila ang kanilang mga damit. Pagkatapos, itinalaga sila ni Aaron sa presensya ng Panginoon bilang espesyal na handog, at gumawa si Aaron ng seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan nila, at para maituring silang malinis.
8:22
ASD Pagkatapos noon, naglingkod na ang mga Levita sa Toldang Tipanan sa ilalim ng pamamahala ni Aaron at ng mga anak niya. Kaya ginawa nila sa mga Levita ang iniutos ng Panginoon kay Moises.
8:23
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
8:24
ASD “Para sa mga Levita ang mga tuntuning ito: Magsisimula ang mga Levita sa paglilingkod sa Toldang Tipanan sa edad na dalawampuʼt lima,
8:25
ASD at titigil sila sa paglilingkod sa edad na limampu. At kapag magreretiro na sila,
8:26
ASD maaari silang makatulong sa kapwa nila Levita sa pamamagitan ng paglilingkod bilang tagapagbantay sa Tolda, ngunit hindi na sila gagawa ng mga gawain sa Tolda. Ganito ang paraan kung paano mo ibibigay ang mga tungkulin sa mga Levita.”